this was one good reason to miss dub's 1st major concert. nagkasabay, at kelangan kong mamili. and my choice was not a disappointment.

for starters, hindi po sa quezon ang baler. sa aurora. isang probinsya sa kanan ng luzon makalampas ang nueva ecija. unlike yung ibang mga napuntahan ko, hindi ito blessed ng white sand beaches tulad ng calaguas, siquijor, at bantayan island. ang maipagmamalaki ng lugar na ito ay ang mga alon na nanggagaling sa pacific ocean.
obviously, ang pinaka reason kung ba't ito dinadayo ay dahil sa surfing. at iyon ang ginawa namin dun, 2 1/2 days worth of surfing and beach bumming. affordable naman, 200php/hr ang renta ng surf board at 150/hr ang bayad sa instructor kung isa kang beginner. mag 2 hours ka lang sa isang araw sasakit na ang katawan mo.
may magandang koleksyon din ng scenic seascapes ang baler. paraiso para sa mga landscape photographers. i'm not into it pero i did try photographing seascapes at nag-enjoy din ako. kaya ngayon nate-tempt na ko bumili ng mga filters para sa camera ko.