Ako si Kuya
i am 28 years old i am from baguio city i am a bs computer science graduate
YM id: a_aspi
Libre Bumati dito
Flickriver Mga Kakuwentuhan aia aki aleng ava benz cai cat cheska clarisse coy cruise david denisse eric esteban hanigrey hermie iskoo jhoanne josie keo kirsty klariz ladycess lorraine marelle marya melai neil pasulong paurong ryan sasha tin esophoric ver very wendy xienah yzza Mga Naligaw Dito Ang Nakalipas
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet Extra
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
|
30.11.10 post para sa 3:21 am na ika una ng disyembre bandang 23 y/o ata ako nun nung pabiro kong binigyan ang sarili ko ng dead line kung kelan dapat ako maging successful. sabi ko na by the age of 28 katulad na dapat ako ng mga ina-idol ko nung panahong iyon. akala ko last year magkakatotoo na. napuno lang yata ako ng sarili ko nung nagawa kong i-photoshoot ang isa sa pinaka bigating banda sa pinas nitong dekadang 2000. akala ko isang malaking hakbang iyon. akala ko magtutuloy tuloy na. pero hindi. hanggang dun lang pala. kung saan man umabot yung mga likha ko, naiwan na sila dun. minimum milage ang nakuha ko. hindi ko pa rin maituturing na parang championship belt na pwedeng gawing resume tuwing may gusto akong pasukin na proyekto. walang nangyari. mahigit isang taon at ang napala ko lang ay isang mahabang flat line. hindi ko rin naman itinuturing na failure ang attempt at success ko. hindi ba't parang indication nga yun na kaya ko pala. bata pa ko at marami pa kong oras para mangarap at umabot ng pangarap. bakit ko ituturing na failure? dahil hindi nasundan? mas ok atang sabihin na "HINDI PA!". nagawa ko once, ibig sabihin kaya kong ulitin. at kaya ko pang pagbutihin sa susunod. bata pa ang taon. 28 pa rin naman ako hanggang 10-11-2011 11:59pm. may oras pa ko. pwede pa.
28.11.10 it's time ang dami ko palang unpublished posts. mga hindi na natapos. pwes, burado na sila lahat ngayon. recap sa mga nangyari. hmmmm. *** una. nag-mini reunion pala kami ng mga grade school batchmates ko na naka base sa metro manila. ang galing. kilala pa rin nila ako after 15 years or so na hindi ko sila nakita. flashback. 1995 umalis ako ng baguio ng biglaan, walang paalamanan. wala sila kahit isang clue kung ano nangyari sa kin. wala na ko nakita at nakausap kahit isa sa kanila hanggang sa panahong nauso ang friendster tapos facebook. konti lang kami pero masayang usapan at inuman ang nangyari. yung isang dating maraming naghahahabol na babae, ngayon naghahabol na ng kapwa lalaki. yung isa doktor na. yung isa may trauma at pinasok ang apartment niya sa makati. at yung isa naman ngayon ko lang nakausap kahit magka-batch kami mula 1988 hanggang 1995. naisip ko medyo lugi ako sa tandaan ng mga kabatch. ako kase ibang set ng mga tao ang kilala ko sa elementary, iba nanaman sa high school tapos iba rin sa college. eh sila, mga 65% siguro ng batch namin, iisa ang school mula pre-elem, elementary, high school at college. gawa kasi ng wala masyadong choice sa baguio at masyado malayo ang ibang ok na school kaya nagsama-sama sila buong kabataan nila. anyways, ok naman at hindi ako parang na left out sa buong grupo. ok nga eh. at looking forward ako na maulit muli itong salu salo this coming weekend. at hopefully, sana maging masaya yung niluluto nilang grand reunion ng batch namin na gaganapin isang araw matapos ang pasko. *** malapit na matapos ang 2010. dalawang bakasyon na lang at pwede na kong kumayod ulit. balak kong magtrabaho na lang ulit sa isang kumpanya. pwedeng dito sa pinas, pwede rin na lumipad na lang ako papuntang SG. depende pa sa sasabihin ng panahon. nung september pa sana ako aalis kaso pinigil naman ni erpats. gusto niya kase na sumama pa ko sa family vacation nitong december. so sige pagbigyan. career break muna. ok to at makapag unwind muna pagkatapos ng lima't kalahating taon ng pagtatrabaho. sana lang wag akong mahirapan maghanap ng bagong papasukan kapag nag-desisyon na kong kumuha ng trabaho ulit. *** sinubukan ko palang maging photographer ng events. kapag gig ang kinukunan ayos lang, carry pa. pero nung nasubukan ko na kumuha ng mga kasal, binyag, at birthday, hindi talaga ako natuwa. nakaka-stress at hindi ako nage-enjoy. yun pa nga yata yung naging sanhi kung bakit ayaw ko humawak ng camera ng pagka tagal tagal. as in burn out. kahit na sumasama ako sa mga shoots eh talagang wala akong gana. ilang beses yun na hindi ko nilabas sa bag ko ang camera ko at nakipag kwentuhan na lang sa mga kaibigan na nagshu-shoot. pagkatapos ng matagal na pahinga sa pag pitik heto at babalik na ko. nabuhayan na ko ulit ng konti. ginaganahan na ko ulit kumuha ng litrato. *** nagiging masaya ang pabalik balik ko na biyahe sa baler. madaming masasayang memories. natututo na ko mag-surf ng walang instructor. kaya ko na rin yung medyo mas maikli na board, yung 7 1/2 feet. bukod sa pagsakay sa alon gusto ko rin ang katahimikan ng baler. mabagal ang buhay. kapag nandun hindi ako humahawak ng celfone at hindi ako nagla-log sa internet. relax lang. siguro kapag nagka-trabaho na ko ulit at dito ako sa pinas magagawa kong bumalik balik sa baler once or twice a month. mura lang eh. around 2500php ang gastos sa isang weekend, all in kasama ang transpo mula cubao, accommodation, food, transpo sa baler mismo at ang budget para sa pag-surf. may plano akong mag-baler ulit sa sabado at linggo. happiness.
18.11.10 project: estrella nauumay na ko sa portraiture kaya lalayo muna ako dun. gagawa na lang muna ako ng sarili kong project 100. inspired by hammock. hindi ko na lang muna ipo-post sa fb account ko, or multiply, or even flickr. tapusin ko na lang tsaka ko ilalabas ng isang buhos. sana sipagin ako.
15.11.10 east to west, over and over... no matter how hard we try, there is nothing solid or permanent to cling and hold on to in this world. =)
11.11.10 maybe they will sing for us tomorrow the artist, hammock, is my greatest discovery for the week. so ethereal. pinaka soft na post rock band na narinig ko. yung tugtog nila parang pwede marinig kung nagfa-flashback ang lahat ng nangyari sayo habang nagaagaw-buhay ka, haha. pero siryoso yung tugtugan nila both beautiful and sad, hindi ko na alam kung pano pa ie-explain.
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |