![]() |
||||
Ako si Kuya
i am 28 years old i am from baguio city i am a bs computer science graduate
YM id: a_aspi
Libre Bumati dito
Flickriver ![]() Mga Kakuwentuhan aia aki aleng ava benz cai cat cheska clarisse coy cruise david denisse eric esteban hanigrey hermie iskoo jhoanne josie keo kirsty klariz ladycess lorraine marelle marya melai neil pasulong paurong ryan sasha tin esophoric ver very wendy xienah yzza Mga Naligaw Dito Ang Nakalipas
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet Extra ![]()
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
|
30.11.10 post para sa 3:21 am na ika una ng disyembre bandang 23 y/o ata ako nun nung pabiro kong binigyan ang sarili ko ng dead line kung kelan dapat ako maging successful. sabi ko na by the age of 28 katulad na dapat ako ng mga ina-idol ko nung panahong iyon. akala ko last year magkakatotoo na. napuno lang yata ako ng sarili ko nung nagawa kong i-photoshoot ang isa sa pinaka bigating banda sa pinas nitong dekadang 2000. akala ko isang malaking hakbang iyon. akala ko magtutuloy tuloy na. pero hindi. hanggang dun lang pala. kung saan man umabot yung mga likha ko, naiwan na sila dun. minimum milage ang nakuha ko. hindi ko pa rin maituturing na parang championship belt na pwedeng gawing resume tuwing may gusto akong pasukin na proyekto. walang nangyari. mahigit isang taon at ang napala ko lang ay isang mahabang flat line. hindi ko rin naman itinuturing na failure ang attempt at success ko. hindi ba't parang indication nga yun na kaya ko pala. bata pa ko at marami pa kong oras para mangarap at umabot ng pangarap. bakit ko ituturing na failure? dahil hindi nasundan? mas ok atang sabihin na "HINDI PA!". nagawa ko once, ibig sabihin kaya kong ulitin. at kaya ko pang pagbutihin sa susunod. bata pa ang taon. 28 pa rin naman ako hanggang 10-11-2011 11:59pm. may oras pa ko. pwede pa.
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |