Tayo na't Magkwentuhan - Mga Weblogs Ni Ace

Ako si Kuya

Ace
i am 28 years old
i am from baguio city
i am a bs computer science graduate



YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Flickr Account


Libre Bumati dito

Flickriver

a_aspi - Flickriver

Mga Kakuwentuhan

aimee
aia
aki
aleng
ava
benz
cai
cat
cheska
clarisse
coy
cruise
david
denisse
eric
esteban
hanigrey
hermie
iskoo
jhoanne
josie
keo
kirsty
klariz
ladycess
lorraine
marelle
marya
melai
neil
pasulong
paurong
ryan
sasha
tin esophoric
ver
very
wendy
xienah
yzza

Mga Naligaw Dito

Ang Nakalipas

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

Extra

top blogs
Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v4.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

6.12.10

pwede ko na kaya ituring na pangalawang buhay ko to?

for the record, hindi ako magaling lumangoy. mahilig lang ako sa dagat.

pangatlong balik namin sa baler nitong weekend. surf trip.

rewind friday. half hearted akong nag-impake ng gamit para sa out of town. nilagay ko ang mga kailangan ko ng hindi man lang nagdo-double check. may balak pa ko mag-back out kase halos lahat tentative na sasama. nag-text lang ng alas sais ng gabi na may mga sasama na kaya napilit na akong lumakad.

bago umalis madaming bilin si ermats. magbigay daw ako ng number ng kasama ko just in case may mangyari sa kin. magingat daw ako sa dagat. wag daw ako sumakay sa likod at right side ng bus dahil mas safe sa kabila. at magingat daw ako sa biyahe papuntang maynila. hindi normal sa kanya yan, at peksman kinabahan ako ng todo. napasabi nga ako ng "parang mamamatay naman ako sa sinasabi mo eh", pero pabiro lang.

hindi biro para sa kin. swear, buong biyahe papunta sa maynila may kutob ako na may masamang mangyayari sa kin. nagdasal pa ko ng konti habang bumabyahe. pero tuloy pa rin ako. andyan pa rin yung kapilosopohan na "kung may mangyayari edi mangyari".

saturday. medyo mahinahon. after ng 1 hour surf session sa umaga ginawa ko na lang matulog sa hapon dahil umuulan at kailangan ko bawiin yung puyat, hindi ako nakatulog sa biyahe nung kinagabihan.

fast forward sunday. surf session number 2. plano ng grupo na sa "secret place"/"river mouth" mag surf. mas madadali daw alon dun dahil iisa ang breaking point nila at hindi sabog sabog ang direksyon. tempting. dala ang isang long board lumakad kami isang kilometro mula sa lodge na tinutuluyan namin. mababaw ang tubig kaya kinakailangan namin lumayag sa medyo mas malayo pa. mga twice ang layo sa normal na pinaglalaruan ko. dun naubos ang lakas ko kaka-paddle. madalas na inaanod ako pati yung isa kong kasama papabalik dun sa point na malalim pero relatively peaceful ang tubig.

paddle paddle pa at sa wakas umabot na rin kami sa kung saan naglalaro yung mga lokal naming kasama. sabi ko pahinga muna ko dahil hinigop ng kaka-paddle ang lahat ng lakas ko.

sakay sila sa alon. tas sabi nila na tara na. game ako umuwi kahit di nakasakay ng isang alon. di ko lang sinasabi na nanghihina na ko. so nauna sila, ako pati yung kasama ko mabagal. mga 500m pa layo namin sa pampang. biglang eto na ang malalaking alon. 4 feet - 6 feet ata yung humampas. wipe out ako. tatlong sekundo sa ilalim. ahon. eto nanaman isa pang malaking alon. tapos isa pa. agad ko na lang hinawakan yung strap ng surfboard ko para di ako humampas sa matigas na fiber glass at para dun ako kumapit. ilang alon pa bago tumahimik yung dagat. sobrang nakakapanlata ang pagod. wala nang bisa ang pag galaw ng kamay at paa ko. di ako umaandar. dun medyo kinabahan na ko. tanong ko sa na sarili ko, pano kung wala yung surfboard? pano kung lalo pa kong tangayin papalabas nitong mga alon? pano kung yung strap bumigay at maputol? isa lang sagot sa lahat, siguradong lunod na ko at walang malapit na makakasagip sa kin. lahat sila nasa shoreline na at yung isa kong kasama ay babae at nakikipagtalo rin sa malalaking alon. wala na rin akong lakas nun. parang OA pero naisip ko na rin na baka iyon na nga yung huling mga oras ko. alam ko kakayanan ko sa tubig at alam kong hindi ako mabubuhay sa ganong kondisyon.

sa lahat ng bagay panic ang hindi ko kelangan. kumapit ako sa board. inaasahang tangayin yun ng mga alon pabalik sa shore. nung makabwelo nag-paddle nako ulit pabalik sa pampang kahit na di ko alam kung gumagana to o hindi. umabot ako sa lugar na hanggang leeg ang lalim ng tubig. pero di pa tapos dun. malakas ang under current, literal na parang may sampung tao na tumutulak sa kin pabalik sa malalim. at nabibitak pa ang tinatapakan kong mga buhangin. dulo yata iyon dahil nabanggit sa kin na ang napuntahan ko daw ay isang channel, lagusan ng ilog mula sa bundok papunta sa dagat. hindi ko alam kung papano ang nangyari pero nakabalik na ko sa hanggang bewang ang lalim ng tubig. basta alam ko wasted na lahat ng lakas ko nun. pero kahit ano pa nangyari ang mahalaga nasa safety na ko.

hindi siguro napansin ng mga kasama ko na nangatog tuhod ko. alam ko para sa kanila normal lang ang ganong wipe out. pero para sa kin na college lang natuto mag-floating sa pool malala na yun.

ok akong naka balik. ayaw ko ma-trauma kaya inisip ko na lang na lahat ng tao may first time na nagaganon kaya natututo sila sa dagat. na baka ako ngayon pa lang natututo. na pag paulit ulit nangyayari yung ganon eh masasanay na ko at normal lang pala yon. pero hindi ko pa rin maipagkakaila na natakot talaga ako ng todo nun.

pagbalik sa surf shop pabiro ko na lang sinabi kay ate na muntik nang magamit yung waiver na pinirmahan ko. ewan ko kung na-gets niya.

after 30 mins nakabalik pa pala ako sa tubig. surf session number 3 pero todo ingat na ko nun. walang senyales ng trauma. pakiramdam ko makakabalik pa naman ako sa "secret place ", sisiguraduhin ko lang na matibay yung strap na makukuha ko para just in case na ma wipe out ulit ng todo kampante ako na hindi ako mahihiwalay sa board ko na nagsisilbing lifeline.


DITO ANG LUMANG BLOG