Ako si Kuya
i am 28 years old i am from baguio city i am a bs computer science graduate
YM id: a_aspi
Libre Bumati dito
Flickriver Mga Kakuwentuhan aia aki aleng ava benz cai cat cheska clarisse coy cruise david denisse eric esteban hanigrey hermie iskoo jhoanne josie keo kirsty klariz ladycess lorraine marelle marya melai neil pasulong paurong ryan sasha tin esophoric ver very wendy xienah yzza Mga Naligaw Dito Ang Nakalipas
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet Extra
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
|
25.1.11 mga kantang tungkol sa hari, tulog, kwarto at motel na madrama makati based na ko. for the 1st time sa buhay semi-soloista na ko. malungkot pala magisa, buti na lang may laptop ang pinsan kong ka-housemate (na di ko rin nakikita dahil saliwa ang sched ng pasok namin). siguro kung wala to unang araw pa lang baliw na ko. kala ko naka-move on (haha) na ko sa pagdi-disband ng sugarfree, pero eto tumutugtog ang form factor sa background habang nagsusulat ako ngayon. dapat yata kwarto ang pinapatugtog ko, hehe. anyways, katulad ng marami kong kaibigan pare-pareho kami ng opinyon. masakit pagkaka-watak watak ng isa sa pinaka makabuluhang banda nitong dekada na to. para sa audience na totoong tumitingin at nagsasapuso ng lyrics ng mga kanta hindi mahirap aminin na si ebe ang isa sa pinakamagaling magsulat sa henerasyong ito. kill me if you do not agree pero sa opinyon ko lang eh katumbas na ng mga likha niya ang mga kantang isinulat ni rey valera (yes, i'm a fan. kill me). mga kantang madaling sakyan, simple (pero rock) at epektibo. marami sa kanta nila ang naging kaibigan ko sa maraming pangyayari sa buhay ko. masaya at malungkot. ngayon nga eh, na maraming pagbabago at pangyayari sa buhay, yung apat na studio album nila at isang live album ang kasa-kasama ko sa apartment na ito. sa pagkaka-disband nagbigay ako ng napakaikling message para sa grupo. sabi ko lang "salamat sa pagbibigay ng soundtrack sa buhay namin, kitakits sa chapter 2 at sana ganun pa rin katindi ang impact niyo sa amin". i'm more than happy na in-acknowledge ito nung banda sa pamamagitan ng pag retweet, tho' hindi yun ang gusto ko mangyari. ang gusto ko talaga sana maisipan nilang wag mag disband hahaha. ayun lang, may mga pagkakataon talaga na kelangan nang tigilan ang isang magandang bagay. yun lang requirement ang masaktan sa pagtanggap nito.
12.1.11 2011: a new beginning balak ko sana ngayon pa lang akong january maghahanap ng bagong trabaho pero mabait si Lord kaya kahit di ko inaasahan may tawag akong natanggap bago mag pasko. emerson, dun yung in-apply-an ko dati nung papa-resign pa lang ako sa luma kong trabaho. twice ako bumagsak sa interviews para sa magkaibang job opening nung mid 2010. una para sa position ng "reports analyst" at sunod naman sa position ng "buyer". after 5 months bigla silang tumawag. binigyan ako ng 3rd chance at sinwerte naman ako. pareho ng trabaho ko dati ang gagawin ko ngayon, iniba lang ng konti ang pangalan. kung dati isa akong "operations planner", ngayon ginawa nang "operations planning analyst". hopefully, less stress. feeling ko less. pinanghahawakan ko yung parati nila sinasabing importante dun ang work-life balance. sana totoo. kanina nakuha ko na ang id. pwede na ko maglabas-pasok sa facility. bukas ako maguumpisa. 9pm-6am shift. grave yard kid ako. ayos lang, mas preferred ko ang forever GY kesa sa shifting. hello 2011, hello emerson. ay may isa pa pala akong interview sa ibang kumpanya. yung tumanggap sa kin nung 2008 pero naudlot dahil sa recession. pano kaya pag mas ok dun?
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |