Ako si Kuya
i am 28 years old i am from baguio city i am a bs computer science graduate
YM id: a_aspi
Libre Bumati dito
Flickriver Mga Kakuwentuhan aia aki aleng ava benz cai cat cheska clarisse coy cruise david denisse eric esteban hanigrey hermie iskoo jhoanne josie keo kirsty klariz ladycess lorraine marelle marya melai neil pasulong paurong ryan sasha tin esophoric ver very wendy xienah yzza Mga Naligaw Dito Ang Nakalipas
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet Extra
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
|
27.4.11 just saying spending time alone in the apartment made me realize a lot of things. isa na dun yung ang tanda ko na pala. na in less than 2 years trenta anyos na ko. kelangan ko na palang baguhin ang mga ginagawa ko sa sarili ko ngayon. napansin ko lang na ang current and active circle of friends ko ay nagre-range sa 18-23 anyos on the average. wow bata. nung una proud pa ko dahil feeling ko may peter pan syndrome ako. hindi tumatanda. tapos nagising na rin ako sa katotohanan na niloloko ko lang siguro sarili ko. na kapag hindi ako umalis sa ganitong life style mapagiiwanan ako. hindi sa maling tao ang mga nakakasama ko ngayon. ang issue siguro ay yung age gap namin. sila afford pa nila maging katuga (kain, tulog, gala) at nasusustentuhan pa sila ng mga magulang. ako, stand alone na. at kung makikipagsabayan ako sa palakad ng buhay nila magsasayang lang ako ng panahon. kelangan amendahan, not necessarily baguhin, ang life style ko. mahusay yung habang maaga pa lang ay nagpundar na. hindi ko ginawa yun. pero hindi ko pinagsisisihan ang mga pinaggagagawa ko. hindi iyon mga inaksayang panahon dahil ang mga experiences ko post graduation hanggang ngayon ay hindi mapapalitan ng kahit anong pagpupundar. maganda yung rollercoaster ng buhay ko nun. at kahit pa hindi ganon kalaki ang naipundar ko para sa sarili, umasenso naman ako kahit konti. at ang importante sa lahat walang hesitation na kaya kong sabihin na "masaya ang buhay nung 20's ko". nakakahinayang lang kase kahit sa anong angulo tingnan kelangan ko na mag move on and let go sa ganitong lifestyle.
14.4.11 semi-rant sa aking kabanuan bwisit. pwede naman ako matulog bukas. o mamaya. o kaya anytime na gusto ko basta wag lang sana kanina. pero nakatulog ako at lumipas ang isang magandang photo op. i asked filipino-japanese top local street skater/m0del0 pilipinas model/personal crush (ahihi) , ma|ko 0kuak|, kung pwede ko i-photoshoot yung isa sa mga skate sessions niya. she gladly said yes at ang free time for a skate sesh ay nitong afternoon lang. busy daw at hindi alam kung makakaulit. baka wala na daw ulit free time at bumalik na siya sa japan. was supposed to meet up at gateway 3pm this afternoon. pero hindi niya binigay sa kin number niya so i gave her mine. ayaw ko naman pumunta ng gateway ng hindi pa siya nako-contact. baka maging BS experience kung makalimutan niya na nandun pala ako. so naghintay ako ng text until 2:30pm. wala. natulog ako. 3:30pm, received an SMS saying "where u at? - ma|ko". nabasa ko 5:30pm na. bwisit. watch her here as a model and here as a skater.
10.4.11 return to band shoots... last week balik ako sa pag-shoot ng banda. at walang ibang perpektong i-shoot kung hindi yung pinaka una kong kinunan 2 years ago. yung shoot ko sa kanila dati never na lumabas. supposedly para sa campaign ng isang australian shoe company yun, hindi ko na lang alam kung ano nangyari. eto kami pagkatapos ng shoot. bale 3 fridays ago nag-release sila ng 1st album na 5 years in the making. meron akong kopya. kick ass.
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |