Tayo na't Magkwentuhan - Mga Weblogs Ni Ace

Ako si Kuya

Ace
i am 28 years old
i am from baguio city
i am a bs computer science graduate



YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Flickr Account


Libre Bumati dito

Flickriver

a_aspi - Flickriver

Mga Kakuwentuhan

aimee
aia
aki
aleng
ava
benz
cai
cat
cheska
clarisse
coy
cruise
david
denisse
eric
esteban
hanigrey
hermie
iskoo
jhoanne
josie
keo
kirsty
klariz
ladycess
lorraine
marelle
marya
melai
neil
pasulong
paurong
ryan
sasha
tin esophoric
ver
very
wendy
xienah
yzza

Mga Naligaw Dito

Ang Nakalipas

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

Extra

top blogs
Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v4.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

28.8.11

U.M.E.

may nangyari pala sa kin na feeling ko 40/60 lang ang ratio ng mainiwala pag kinwento ko sa mga tropa kong kilala ang kasangkot.

hindi big deal pero mababaw lang naman ang ligaya ko kaya feeling ko big deal to para sa kin.

kras ko kase si host nung event. kras-kras-an lang na parang artista-fan type ng kras (kahit na hindi naman siya artista). nakaka-chat ko konti at nagko-comment-an kami dati sa multiply pero yun lang. one time nagka-usap kami sa event, buti mabait. nahulaan niya pa nga pangalan ko bago ko pa sabihin. tuwa naman ako, kulang na lang magta-tatalon ako sa saya.

so ayun. feeling ko parang nasa isang music video ako kahapon. habang namomroblema ang typ3c@st sa technical difficulties nag-relax-relax muna ako ng konti. napa-tingin ako sa kaliwa. lo and behold, si crush host. nakatingin siya sa kin at nakangiti. so wala na ko naisip na gawin kung hindi mag wave ng "hi", yung signature wave kong parang batang excited. nag-wave back siya pabalik. tapos lumapit (slow mo???). tapos sabi "hi ace" sabay nag beso. hahaha. sabay alis. naiwan akong tuliro at off guard hahaha.

speaking of tuliro, siya yung girl na nasa music video na 'to...



masasabi ko lang talaga WOOOHOOO!! hahaha, oo ganon ako ka-babaw.
ayyy mas matangkad pala siya sa kin pag naka-heels :)



Kuya Ace Ng Bayan at 12:22 PM



23.8.11

boom number 5, me, ccc and more

so this coming saturday magiging gatekeeper ako sa isa sa mga annual events na pinupuntahan ko for the past half decade. it's a crappy job pero excited ako. parang bumabalik ako sa pagka-elementary. diba dati kung piliin ka ng teacher mag erase ng blackboard masaya ka pa. parang ganong effect.

bumabalik nanaman sa utak ko yung joke ko sa sarili 5 or 6 years ago. na balang araw pwede kaya na magta-trabaho ako para sa local music/rock scene at kapag wala sa eksena concentrate muna ako sa libangan ko na day job. hehe.

***

eversince bumukod ako ng weekday tirahan naging drastic ang pagbabago ng tingin ko sa buhay. hindi na ko kuntento sa buhay ako sa kinikita ko ngayon. nagwo-worry na ko na baka hanggang dito na lang ako at hindi na umasenso. praning. pero pwede naman kase magkatotoo. kung ako tatanungin hindi pa ko kuntento sa ganito.

akala ko ok yung parang hindi tumatanda. pero nung tiningnan ko na most of the people around me are early-20-year-old-ers na nage-enjoy pa sa buhay napaisip ako na teka, hindi na ko pwede ma-stuck sa ganong state of mind na tulad ng sa kanila.

one good thing natuto ako mag-budget kahit papaano. kelangan eh. kung dati kusang nakakaltas sa buwanang sahod ang ipon ko, sa pinagta-trabahuhan ko ngayon iba. natuto na rin ako magtipid. kasabay nun natuto ako kumain ng gulay, mura kase. haha. one time nalaman ng kakilala kong katuga (kain-tulog-gala) na minsan ang inuulam ko ay okra o kaya baguio beans, na paborito ko naman, kapag nagtitipid. hindi niya daw kaya yung ganon at hindi siya papayag. mukhang kawawa na pala ako sa pinaggagagawa ko.

***

pang 3rd year na ng camera club. yay. mixed emotions. minsan naiinis ako pag binabale wala na ko sa club na to, pero mas nananaig yung saya ko dahil habang tumatagal lalong lumalaki at tumatatag. sa ngayon siguro ito ang pinakamalaking trophy na meron ako at gusto ko ipagmalaki.

malungkot lang na ilan sa mga original at mga nakatulong talaga na mga miyembro ay umalis. meron silang mga personal na rason na hindi na parallel sa itinatakbo ng club. nire-respeto ko mga desisyon nila kaya so be it.

isa pa, gaya ng lagi kong sinasabi, siguro yung pag alis alis ng mga miyembro dahil sa mga away at hindi pagkakaunawaan ay proseso para malinis ang club.


Kuya Ace Ng Bayan at 4:59 PM



12.8.11

may tama

nabubuwisit na rin ako sa mga kakilala kong masyado matatalino eh. nagmimistulang mga higher beings. nagmimistulang alam ang lahat.

sa korte lang applicable yung kung sino mas magaling magpaliwanag siya ang mas tama.

minsan hindi na importante kung sino ang tama at kung sino ang mas tama. kung ma-convince mo ang mga tao na tama ang point mo pero kapalit nito ang dami mong sinagasaan at ginawang gulo, ano ang silbi nun? mas matimbang ang mga taong makakagawa ng mga bagay para ayusin ang lamat kesa sa lalong palakihin ito.

kung sa tingin mo ang gagawin mo ay tama pero ang magiging resulta naman ay mas maraming mali gagawin mo pa ba? bubutasan mo ba ang bangkang sinasakyan para patunayang lumulubog ang bangkang may butas?

sa isang inuman session, sino mas pipiliin mong kasama? yung mga walang ginawa kung di sabihin "pakinggan mo point ko kase feeling ko mas tama to" o yung mga willing makinig sa mga kwento mo at willing din mag kwento pagkatapos mo? ako, dun ako sa nagsu-submit at willing din ako mag-submit sa gusto nila para sa samahang walang gulo.


Kuya Ace Ng Bayan at 12:41 AM



11.8.11

a tale about freedom

bago lumipad ang flight P1nA-5:

airline officer: i'm sorry sir, pero bawal po ipasok ang kahit anong liquid sa loob ng eroplano.

passenger m1-D30: bakit bawal? gusto niyo sabihin mauuhaw ako? 10 hours ang biyahe, bakit niyo ko uuhawin?

airline officer: for safety purposes lang po. meron naman po tayong drinks na pwedeng i-provide sa loob ng eroplano.

passenger m1-D30: pero eto lang ang brand na iniinom ko! karapatan kong piliin kung ano ang gusto ko inumin!

airline officer: sorry sir pero bawal talaga.

passenger m1-D30: bakit bawal? makakapatay ba 'tong tubig pag pinasok ko sa eroplano?

airline officer: hindi po sir pero for safety reasons pinagbabawal ang kahit anong liquid. hindi lang po sa inyo pero sa lahat ng pasahero naman po.

passenger m1-D30: walang demokrasya sa airline niyo! hindi niyo pwedeng idikta sa kin kung ano ang pwede ko inumin at ano ang hindi.

airline officer: intindihin niyo na po sir, may rules tayo para sa ikabubuti ng mas nakakarami. kung gusto niyo po sa pribadong eroplano na lang kayo sumakay para pwede niyo gawin kung ano gusto niyo.

passenger m1-D30: tubig lang yan, tikman mo. tanga lang ang makakapagsabi na kamatayan ang idudulot niyang isang boteng tubig na dala ko.

passegner m2-L34: teka! kung pagbibigyan niyo siya dapat pag bigyan niyo rin ako! mas gusto ko ang juice na timpla ko kesa sa ipino-provide niyong drinks.

passenger m2-A11: hindi tayo makakabiyahe at pupunta sa pupuntahan natin kung magaaway lang kayo dito. ang bawal bawal. mahirap bang intindihin yun?

airline officer: sa ngayon pagbabawalan ko kayo. kung may appeal po kayo pwede natin i-file at daanin sa proseso yan.

passenger m1-D30: asahan mo magfa-file talaga ako! kalayaan ko ang iniipit niyo eh.

***

passenger m1-D30's appeal was filed and heard. airline rules and regulations were amended.

a month after flight P1na-5 the airline once again allowed passengers to carry drinks of their own preference.

half a year after the revision of airline rules and regulations more than 30 commercial airplanes crashed due to liquid bombs by terrorist attacks. hundreds of victims died.

passenger m1-D30 chooses not to comment on these unfortunate incidents.


passenger m1-D30 is living a good and successful life. his mineral water business is one of the biggest in the country and through it he was able to create numerous foundations and charitable institutions.


DITO ANG LUMANG BLOG