Tayo na't Magkwentuhan - Mga Weblogs Ni Ace

Ako si Kuya

Ace
i am 28 years old
i am from baguio city
i am a bs computer science graduate



YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Flickr Account


Libre Bumati dito

Flickriver

a_aspi - Flickriver

Mga Kakuwentuhan

aimee
aia
aki
aleng
ava
benz
cai
cat
cheska
clarisse
coy
cruise
david
denisse
eric
esteban
hanigrey
hermie
iskoo
jhoanne
josie
keo
kirsty
klariz
ladycess
lorraine
marelle
marya
melai
neil
pasulong
paurong
ryan
sasha
tin esophoric
ver
very
wendy
xienah
yzza

Mga Naligaw Dito

Ang Nakalipas

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

Extra

top blogs
Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v4.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

22.11.11

now and then

nabanggit ko last post na nagi-gym na pala ako diba. 2-3 times a week ako kung pumunta sa m3tr0club para masunod ang program na binigay sa kin ng isang kaibigan.

huling beses ko na bisitahin ng regular ang lugar kung saan ako naggi-gym ay nung summer season pa 20 years ago. swimming lessons naman ako nun, in-enroll ako ni erpats. incoming grade 4 student ako at nagbabakasyon sa maynila.

more than a month ata na araw araw akong matiyagang inihahatid ni ermats mula shaw boulevard papuntang estrella street para mag aral lumangoy. naaalala ko na uso pa nun yung metrobus na madalas naming sakyan at wala pang nakaharang na mrt sa gitna ng edsa.

kumpara sa ibang mga bata mas mataas ang level ng kaduwagan ko sa sa mga bagay bagay. kasama na dun yung malalim na swimming pool. siguro naka ilang beses din na kinailangan akong itulak ng instructor para lumangoy sa 9ft na swimming pool. consolation, natuto ako lumutang sa tubig pero di pa rin ako naging magaling lumangoy.

madalas naikukwento sa kin ni erpats na meron daw isang beses na kinailangan naming makumpletong languyin yung isang buong length ng swimming pool. pasikreto niya raw akong pinapanood sa malayo habang pilit kong nilalangoy yung kahabaan nung pool. akala niya hindi daw ako aabot.

hanggang sa araw na ito hindi ko pa rin ma-gets kung ba't niya kelangang magtago sa malayo para lang panoorin yung success ko. :)


***

matagal nang down yung server na naglalaman ng mga picture files ko para sa blog na ito pero di ko pa rin inaayos. kita naman na wala na yung profile pic kong nakaupo katabi ang "bawal umupo dito" na karatula at yung header kong nakalagay "weblog ni ace". siguro kapag may oras na akong mag corel draw saka na ko gagawa ulit ng bagong banner.


Kuya Ace Ng Bayan at 10:57 AM



14.11.11

long time no write

mas madalang na ako mangarap ngayon at mas iniisip ko na ang mga bagay na kaya kong magawa sa present state ng aking pamumuhay. kung dati lagi ko pa nasasabi ang mga bagay katulad ng "dapat by the age of ganito isa na akong ganito".

dalawang bagay. either sumusuko na ko sa pangagarap ko or tanggap ko nang hanggang dito na lang talaga ako at mas magiging mainam kung ang mga bagay na meron ako ang bigyan kong halaga. ume-edad nanaman ba ako? baka nga naman, at mula sa pagiging idealistic ay nagta-transform na ako at nagiging realistic.

ayaw ko pang bumitiw. may mga maliliit na tsamba na nagawa kong gawin at maging ang mga gusto ko. kaya kong panghawakan at ituloy iyon. pero magiging makabuluhan pa ba kung ganon?

***

isip bata. iyan ang madalas na sinasabi tungkol sa kin. kahit pa naiinis ako hindi ko na lang pinapatulan. madalas kong sabihin na boses bata lang ako pero marunong ako magisip, "weh" ang madalas na sagot. ok, sige. matuwa kayo sa iniisip niyo. hindi ko naman kailangan magpaliwanag.

ano ba ang hindi isip bata? kelangan bang parang mala-conficius ang bitaw ng mga salita para kunwari matured? kelangan bang ang mga argumento ay nababalot ng hegelian discourse? na meron pang mga thesis at anti-thesis sa pagpapaliwanag ng mga bagay bagay? isang malaking bull.

hindi porke't kasiyahan at joke time ang parati kong batid ay kasing carefree na ko ng isang puslit. marami akong nagawang mabibigat na desisyon sa buhay ko at naging responsable ako sa kung ano ang kinahinatnan nito. hindi ko tinakasan ang mga mali. at higit sa lahat, sa maraming beses naging responsable ako at hindi ko na kinailangan pasukin ang isang maling bagay para matutunan na mapapahamak ako sa ginawa ko.

hindi ko na maalala ang huling beses na lumapit ako sa mga magulang ko dahil sa kapahamakang nagawa sa sarili. nagkukwento ako sa kanila pero hanggang dun lang iyon. at bagamat may mga desisyon akong medyo di sila sumangayon nung una, sa palagay ko, ngayon ay naiintindihan na nila kung bakit ko tinahak ang mga landas na pinili ko.

hindi ko na kailangan magpaliwanag. basta para sa akin, malasa na yung responsable ako sa sarili ko at may paki ako sa mga nakapaligid sa kin. hindi ko na kailangan magsayang ng effort para lang gumawa ng mga childish remarks kung saan wala naman itong maidudulot na maganda.

***

on the lighter side, marami akong oras para sa sarili ngayon kaya naisipan kong tulungan ang sarili ko.

kunwaring healthy living.

lima hanggang anim na beses sa isang linggo na akong tumatakbo ng layong limang kilometro sa boni high street. dalawang beses sa isang linggo kung ako ay maglaro ng basketball. at dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo ako pumupunta sa metroclub para mag weights training. sa kasalukuyan nasa pang pitong linggo na ko ng running/jogging at ika apat na linggo ng weights training.

tunay yung sabi ng ate ko na 21 days to learn/unlearn something. ibig sabihin nito gawin/iwasan mo sa loob ng 21 na araw ang isang bagay at maipapasok/matatanggal ito sa iyong sistema. effective.

tinuruan din ako ng kuya ko ng isang uri ng diet. high protein, low carbs. mabisang pambawas ng taba sa katawan. na-prove ko na rin. nung ilang buwan lang ay umakyat ang timbang ko sa 180 pounds. ngayon nasa 170 ako. ang pinaka mababang record ko ay nung isang linggo, 166. siguro maintain na lang.

may napapala naman ako. unang una, natuturuan ko ang sarili ko ng istriktong disiplina. pangalawa, nababawasan na yung idle kong oras na dati ay inuubos ko lang sa internet na walang nangyayari. nakakatawa at dumating ang panahon nun na sa sobrang boring ay nababagalan na ko sa paghihintay ng baong updates sa fb wall at twitter feeds ko. how lame. pangatlo benefit ay mas masiglang katawan. oo, nangangarap na ko ngayon magkaron ng katawang pangromansa, hehe.


DITO ANG LUMANG BLOG