Tayo na't Magkwentuhan - Mga Weblogs Ni Ace

Ako si Kuya

Ace
i am 28 years old
i am from baguio city
i am a bs computer science graduate



YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Flickr Account


Libre Bumati dito

Flickriver

a_aspi - Flickriver

Mga Kakuwentuhan

aimee
aia
aki
aleng
ava
benz
cai
cat
cheska
clarisse
coy
cruise
david
denisse
eric
esteban
hanigrey
hermie
iskoo
jhoanne
josie
keo
kirsty
klariz
ladycess
lorraine
marelle
marya
melai
neil
pasulong
paurong
ryan
sasha
tin esophoric
ver
very
wendy
xienah
yzza

Mga Naligaw Dito

Ang Nakalipas

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

Extra

top blogs
Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v4.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

20.4.12

the silent thief

something new, digital cleanse. nabanggit sa kin ng isa kong kakilala na pauso daw ni john mayer. from the moment na nalaman ko yung concept nagustuhan ko agad. actually, bago ko pa ito nalaman, nagkaroon na rin ako ng effort para bawasan ang internet life to focus more on other things... pero nung narinig ko lang ang digital cleanse saka lang ako na-enlighten.
social sites and the internet robs us of our social lives. supposedly, ginawa pa nga yun para dun. ngayon kasi umiikot na ang buhay sa posts, comments, likes, at retweets. nakikilala natin ang mga "friends" sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga nilalagay nila sa wall o timeline na sa malamang ay madalas exaggerated o kaya mas masama purong kasinungalingan.

para na rin tayong mga alien, mas nakikiusap na tayo sa mga tao ng hindi ginagamit ang bibig. sa pamamagitan na lang ng kamay (at keyboard). sometimes i find it lame, na ang kasiyahan nare-represent na lang ng dalawang magkaibang character na pinagsasalit-salit, H at saka A, hahaha. mas mahabang hahahaha mas ibig sabihin masaya ka. para sa kin mas masarap pa rin yung sakit ng tiyan na nakukuha sa katatawa, yung nangangawit na panga, at yung halos hindi ka na makapagsalita kase mas nauuna yung tawang hindi mapigil kesa sa gusto mo sabihin.

diba lame rin na maja-judge pala natin kung sino ang baduy at hindi sa pamamagitan ng mga letra. yung mahilig gumamit ng "x", "z", "h", "q", at "jeje" sila yung mga baduy.

social networking sites rob us of our social lives. tingnan mo na lang ang mga bata. hindi na sila nasusugat dahil sa mga laro. hindi na sila nababalian ng kamay dahil sinusubukan nilang i-overcome ang fear sa pagpaparampa ng kanilang mga bike. naaawa ako sa mga bata ngayon dahil sa pagtanda nila wala na silang maiku-kwento sa mga anak nila. pwede nila sabihin na uso nung panahon nila ang computer games, pero sino ba naman kase makakapag-visualize kung ano ang dota sa pamamagitan ng kwento? at least ako meron akong mga peklat sa katawan na pwede ko ipagmalaki na naging adventurous ako nung bata ako, mas madaling maikukwento to.

social networking sites and the internet rob us of our social lives. social lives are activities, and memories are by products of activities. at one point maiisip mo na our lives will be forever immortalized by our facebook wall. at somepoint oo, pero kinakailangan pa rin ng outside activity para magkaroon ng substance yung wall posts or else garbage lang ang mga posts na makikita tulad ng mga rants tungkol sa current issues, at iba pang walang silbing status tulad ng "ang init naman", "gutom na ko", "di ako makatulog" at iba pang di mahahalagang bagay. kung ako mamamatay sigurado akong ang mga kwento tungkol sa kin ay hindi yung mga papansing posts ko (oo, guilty ako hehe). mas maalala ako sa mga masasayang bagay na ginawa namin ng mga kaibigan ko. yung mga kababata kopagkukwentuhan nila yung pagiipon namin ng mga panggatong sa umaga para sa bonfire at yung pagsisiksikan namin sa gabi dahil tumakas lang sila at nakalimutan magdala ng jacket. yung mga kakilala ko nung highschool, pagku-kwentuhan nila yung kung saan saan kami umaabot gamit ang mga bike namin at lagi akong naiiwan dahil mabagal ako magpedal. for sure yan ang mga paguusapan at hindi yung mga wall posts at tweets ko.

for the last decade naging buhay ko ang maging internet junkie, nakaupo lang ako dun. may napala rin ako, nag-enjoy, nakahanap ng mga kaibigan, pero marami rin akong panahon na nasayang. the internet is a powerful tool pero wag magpapaalipin dito, sayang ang panahon eh.

9 mins before my shift ends. sisimulan ko na ang weekend digital cleanse ko. see you on monday. :)


DITO ANG LUMANG BLOG