being 25 without a clear career path is a scary shit. di ko maintindihan kung ba't mas marami akong kilalang 5-7 years younger sa kin na afford maging katuga (kain-tulog-gala). ok, may sustento. pero hindi ata pwede ganon, hindi naman kasing simple na pag naisipan kong kelangan na magtrabaho saka na ko magsisimula.
given na may pera ang magulang. pano kung super malas at biglang mawala yun? ideal ata para sa kin na at the age of 22 makapagsimula na. di bale na hindi kumikita ng malaki basta makapag set ng daang tatahakin. at the age of 25 dalawang beses na ata ako nun na "promote" pero hindi pa rin sapat ang kinikita ko nun. tumira pa rin ako sa bahay ng magulang at libre pagkain, kuryente, laba at internet. so isipin mo na lang pag 30 anyos ka na magsisimula tapos start up sweldo pa lang makuha mo. ang hirap.
hindi naman imposible na magsimula ng late sa buhay. pero sa tingin ko pag habang pinapatagal mo lalong lumiliit ang window of opportunities at options para makapag ayos ng buhay.