Ako si Kuya
i am 28 years old i am from baguio city i am a bs computer science graduate
YM id: a_aspi
Libre Bumati dito
Flickriver Mga Kakuwentuhan aia aki aleng ava benz cai cat cheska clarisse coy cruise david denisse eric esteban hanigrey hermie iskoo jhoanne josie keo kirsty klariz ladycess lorraine marelle marya melai neil pasulong paurong ryan sasha tin esophoric ver very wendy xienah yzza Mga Naligaw Dito Ang Nakalipas
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet Extra
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
|
14.9.12 ang tagal ko na palang hindi nagsusulat dito... isang challenge entry, wala naman akong naiisip talaga pero napagpasyahan ko lang na bumalik dito sa sulok ng world wide web na pagaari ko... so random, lagyan na lang natin ng bilang.
1. for the past 2 months natuto na ko ng mas strict na budget. ang 500 pesos na groceries ay umaabot hanggang 2 weeks. investment ko ang dalawang tupperware kung saan inilalagay ko yung mga baon ko. results? nakapag-free up ako ng around 5k/month na pwede mapunta sa savings or investments. nice move.
2. aminin ko na nung for the past 2 months din medyo sinubukan ko i-click yung mga "apply" button na napupuntahan ko sa jobstreet at jobsdb. nagkaron kasi ako ng panic simula nung annual apprisal namin. never pa kong nagreklamo tungkol sa sweldo sa buong buhay ko. at decent naman yung increase ko nung huli. yun lang, medyo na-alarm ako na kung 5 years from now ganon ang progress ko financially magiging ok ba ko? kaya konting alter ng buhay, down grade sa ilang bagay na hindi naman talaga ganon ka-importante. so ayun, refer to number 1. at dahil dun delay muna ulit ang paghahanap ng lilipatan. takot ako lumipat, kumportable naman ako kung nasan ako ngayon, ang iniisip ko lang talaga ay yung hinaharap.
3. sabi sa annual physical exam meron daw akong scoliosis. after 29 years ngayon lang ito lumabas. sana hindi dahil sa pagpunta ko sa gym. naghahanap pa ko ng doctor na pwede kunan ng 2nd opinion.
4. new favorite movie, ang nawawala. eto yung gusto ko panoorin ng panoorin sakaling dumating na ang panahon na wala na yung mga lugar na pinupuntahan ko. twice ko napanood sa sine. isa nung cinemalaya, isa kanina. tatanong yung iba ko kakilala bat daw ako naguulit ng pelikula. ang sagot ko, same reason kung bat paulit ulit niyong pinapatugtog ang call me maybe.
5. muling nabubuhay ang interes ko sa photography.
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |