bat kasi hindi pwedeng one size fits all ang batas? kung may gagawing bawal marami magagalit kasi dapat di sila nadadamay dun. kung di naman gagawing bawal edi pinagbigyan na rin lang umabuso ang aabuso. at sino huhuli sa kanila? sigurado namang yung mga "freedom fighters" walang pakialam.
stand ko na dati na mas pabor ako sa balance at equality kesa sa "freedom". kung kelangan pagbawalan ang isang bagay para maging pantay pantay lahat at walang gulo mas gusto ko yun. pero maraming ayaw. mas mahalaga ang "freedom of expression".
ang galing rin ng naka-imbento ng "freedom of expression" eh. napaka general, kung magaling ka magpasikot sikot ng salita kahit anong gusto mo gawin pwede mo na itago sa "freedom of expression" eh.