Ako si Kuya
i am 28 years old i am from baguio city i am a bs computer science graduate
YM id: a_aspi
Libre Bumati dito
Flickriver Mga Kakuwentuhan aia aki aleng ava benz cai cat cheska clarisse coy cruise david denisse eric esteban hanigrey hermie iskoo jhoanne josie keo kirsty klariz ladycess lorraine marelle marya melai neil pasulong paurong ryan sasha tin esophoric ver very wendy xienah yzza Mga Naligaw Dito Ang Nakalipas
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet Extra
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
|
21.3.13 deja-boo minsang nagsama sama kami ng mga kabarkada. konting inom, konting kain. nung dumating ang 5 year old na anak nung host ay biglang tinawag niya kami para magtipon tipon sa entertainment area ng kanilang bahay. binuksan ang radyo at nagpatugtog ng Oppa Gangnam Style. pinasayaw ang anak (na may dalawang moves ang alam gawin). habang sumasayaw ang kanyang junior ay in-insist niya sa min na, sa lahat ng bata, pinakamagaling sumayaw ang kanyang anak. sa oras na iyon nagkaron ako ng realization at sinabi ko sa sarili na "shet ang baduy nga pero yung mga nakikita kong ginagawa ng mga matandang tiyuhin namin dati gagawin din pala namin".
14.3.13 1/2 ang lifespan daw ng tao ngayon ay umiikli na. maswerte ka na kung umabot ka pa ng 60. minsan tuloy naiisip ko na ang mid-life crisis nangyayari dapat kapag 30 years old ka na. ganun ka aaga. pero pag titingnan mo naman sa paligid hindi mangyayari yun kasi base sa mga buhay ng karamihan ng kakilala ko ang youth naman nae-extend na sa edad na 25-30. nakakatakot. lagi namin napaguusapan ng kabarkada ko na ang trend ngayon ay hindi na nagiging importante ang pag-nurture ng career sa 20's. sa totoo lang mas marami pa nga akong kakilalang nasa 20's na walang trabaho kasi ayaw mag-trabaho kesa sa walang trabaho dahil walang mahanap. pano na lang kaya yun?
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |