ang lifespan daw ng tao ngayon ay umiikli na. maswerte ka na kung umabot ka pa ng 60. minsan tuloy naiisip ko na ang mid-life crisis nangyayari dapat kapag 30 years old ka na. ganun ka aaga. pero pag titingnan mo naman sa paligid hindi mangyayari yun kasi base sa mga buhay ng karamihan ng kakilala ko ang youth naman nae-extend na sa edad na 25-30. nakakatakot. lagi namin napaguusapan ng kabarkada ko na ang trend ngayon ay hindi na nagiging importante ang pag-nurture ng career sa 20's. sa totoo lang mas marami pa nga akong kakilalang nasa 20's na walang trabaho kasi ayaw mag-trabaho kesa sa walang trabaho dahil walang mahanap. pano na lang kaya yun?