Tayo na't Magkwentuhan - Mga Weblogs Ni Ace

Ako si Kuya

Ace
i am 28 years old
i am from baguio city
i am a bs computer science graduate



YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Flickr Account


Libre Bumati dito

Flickriver

a_aspi - Flickriver

Mga Kakuwentuhan

aimee
aia
aki
aleng
ava
benz
cai
cat
cheska
clarisse
coy
cruise
david
denisse
eric
esteban
hanigrey
hermie
iskoo
jhoanne
josie
keo
kirsty
klariz
ladycess
lorraine
marelle
marya
melai
neil
pasulong
paurong
ryan
sasha
tin esophoric
ver
very
wendy
xienah
yzza

Mga Naligaw Dito

Ang Nakalipas

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

Extra

top blogs
Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v4.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

12.3.14

2014's 1st post

subukan nga ulit natin to. 1st post in a long time.

update, update. lately, nasusulit ko na yung medical namin sa kumpanya. nung isang linggo nagkaron ako ng unusual na karamdaman kaya minabuti ko nang pumunta agad sa doktor. una akong pumunta sa VRP at pangit ang experience ko dun. 1st time ko nakaranas na kumunsulta sa doktor na naka-drugs. san ka ba naman makakakita ng doktor na pwersadong kinakamot ang ulo at mukha tuwing nage-explain ako dahil sumasakit daw ang ulo niya sa mga sinasabi ko. isa pa para siyang nanghuhula ng sagot sa charades dahil tuwing gusto niya pangunahan yung mga sinasabi ko bigla siyang papalakpak ituturo ako tapos sasabihin ng malakas yung gusto niya sabihin. pinagbigyan ko pa nga muna akala ko ganon lang siya talaga. pero nung hindi ko na matiis pasimple akong tumawa ng walang dahilan at tawa din siya ng mas malakas, yung level ng tawa niya ay katulad ng doon sa kapag pinapanood mo sa youtube ang mga japanese pranks. after 20mins ng gaguhan binigyan niya ko ng reseta pero tinapon ko na yun agad at di na ko bumalik.
kinabukasan, SLMC sa BGC na lang ako pumunta para magpa-check. mas may tiwala ako sa mga tao dun. bale ok yung doktor, hindi high. pagkatpos ng konsultasyon binigyan niya ko ng reseta para sa dalawang gamot at pina-schedule ng x-ray at mri. suspected pinched nerve o slipped disc daw ang kaso ko. medyo disheartening, baka kase malalang kundisyon na pala yun na bawal na ko maging aktibo.
nitong monday, MRI ako. sa basketball injuries ko madalas marinig yung ganitong klase ng examination. bale eto pala yung may parang malaking capsule tapos ipinapasok yung pasyente sa loob. alam ko claustrophobic ako so nung araw na yun ko talaga malalaman kung kaya ko yung ganong level. ok lang pala. kapag iniisip ko lang na lilindol saka ko nagiging uneasy. kaya pinapalipad ko na lang sa ibang bagay ang utak ko para magpakalma. isa sa naisip ko ay kung meron palang taong magti-trip at kikilitiin yung talampakan ko habang nasa loob ako nung capsule ay wala pala akong kalaban laban. halos di ko maste-strech yung mga kamay ko. di ako makakatayo. pati diko rin masisipa ng basta basta yung gagong gagawa sa kin nun. haha. matagal pala yun, around 30 mins. inabot din ng ilang kanta ni james ingram at christopher cross na ni-play nung technician bago natapos yung whole process. anyways, ayun nga yung new experience ko.
bale kanina yung results. almost normal daw ako. walang kelangang medication at wala naman pinagbawal. ang nangyari pala ay yung isang disc ko sa spinal cord medyo numipis kaya naiipit yung mga nerves ko sa both legs na nag-cause ng 3 day muscle contraction ko sa magkabilang hita. di naman daw alam ang cause nung ganong condition, sabihin na lang nating "sign of aging".
onga pala, malaking pasasalamat ko sa medical ko sa opisina. covered ang consultation at testing ko kaya nasa 15kphp rin ang natipid ko. bale ganito yung mga benefits ang hindi ko pinapansin dati. pero ang laking bagay pala talaga.










DITO ANG LUMANG BLOG