Ako si Kuya
i am 28 years old i am from baguio city i am a bs computer science graduate
YM id: a_aspi
Libre Bumati dito
Flickriver Mga Kakuwentuhan aia aki aleng ava benz cai cat cheska clarisse coy cruise david denisse eric esteban hanigrey hermie iskoo jhoanne josie keo kirsty klariz ladycess lorraine marelle marya melai neil pasulong paurong ryan sasha tin esophoric ver very wendy xienah yzza Mga Naligaw Dito Ang Nakalipas
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet Extra
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
|
12.3.14 2014's 1st post subukan nga ulit natin to. 1st post in a long time.
update, update. lately, nasusulit ko na yung medical namin sa kumpanya. nung isang linggo nagkaron ako ng unusual na karamdaman kaya minabuti ko nang pumunta agad sa doktor. una akong pumunta sa VRP at pangit ang experience ko dun. 1st time ko nakaranas na kumunsulta sa doktor na naka-drugs. san ka ba naman makakakita ng doktor na pwersadong kinakamot ang ulo at mukha tuwing nage-explain ako dahil sumasakit daw ang ulo niya sa mga sinasabi ko. isa pa para siyang nanghuhula ng sagot sa charades dahil tuwing gusto niya pangunahan yung mga sinasabi ko bigla siyang papalakpak ituturo ako tapos sasabihin ng malakas yung gusto niya sabihin. pinagbigyan ko pa nga muna akala ko ganon lang siya talaga. pero nung hindi ko na matiis pasimple akong tumawa ng walang dahilan at tawa din siya ng mas malakas, yung level ng tawa niya ay katulad ng doon sa kapag pinapanood mo sa youtube ang mga japanese pranks. after 20mins ng gaguhan binigyan niya ko ng reseta pero tinapon ko na yun agad at di na ko bumalik.
21.1.14 recall one hour ago: may tinatapos ako na office tasks. walang interesanteng detalye. one day ago: longest OT in the last 3 years with this company. 7hrs. ok lang, hindi kasing stressful ng kumpara sa mga 2hr OTs ko noon sa dating kumpanya. one week ago: nasa office. working. one month ago: bakasyon na nito halos. kakatapos lang ng christmas party ng aming business unit. eto rin yung araw na nawala yung mumurahin kong sun glasses. kahit 300+ lang yun gusto ko yun, di na ko makahanap ulit ng kaparehong style. 1 year ago: january last year, promotion month. yung good news na yun ang isa sa mga bagay na pampabalanse ng buhay. medyo hindi mabait sa kin ang 2012 sa iba't ibang aspeto. yung promotion na yun ang isang bagay na na nagsabi sa kin na kahit papaano ay may na-achieve ako. 5 years ago: hindi ako positive, pero this month last 2009 ata yung oras na nagpunta kami ng dumaguet-siquijor. eversince isa na ang dumaguete sa nagustuhan kong probinsya. 10 years ago: sinimulan ko ang blog na ito. unang taon ko sa pagiging empleyado. sa pinaka "basic" din pala ako nagsimula noon. isang contract employee at minimum wage earner. ang mga responsibilidad ko nun ay pang admin. taga-photocopy. taga-scan. taga-check ng mga test paper at isang all around utusan ng maliit na department sa cml. 15 years ago: senior ako sa highschool. huling beses na bumisita ako sa sinilangang bayan. noon, nagde-desisyon ako kung saan ko gustong mag-college. at kung anong course. iisa lang naman ang pinag-exam-an ko. dlsu-d. ang course ko? comp sci. iyon daw kase ang "in demand" nung panahong iyon. 20 years ago: huling taon ko bilang isang "resident" ng baguio.
23.7.13 katamaran ng tambay reklamo. reklamo. reklamo. lahat na lang kasalanan ng gobyerno. tama pa kaya yung narinig ko sa mga tambay sa tv na dapat daw ay bigyan sila ng trabaho ng gobyerno para hindi na sila maging tambay? lahat naman yata ng nagtatrabaho, maliban siguro sa mga anak ng negosyante, ay hindi binigyan ng trabaho ng libre lang. lahat iyon ay nag gumawa ng paraan para magkaron ng trabaho. nag-apply. nag-exam. nagpa-interview... mga ulol.
21.3.13 deja-boo minsang nagsama sama kami ng mga kabarkada. konting inom, konting kain. nung dumating ang 5 year old na anak nung host ay biglang tinawag niya kami para magtipon tipon sa entertainment area ng kanilang bahay. binuksan ang radyo at nagpatugtog ng Oppa Gangnam Style. pinasayaw ang anak (na may dalawang moves ang alam gawin). habang sumasayaw ang kanyang junior ay in-insist niya sa min na, sa lahat ng bata, pinakamagaling sumayaw ang kanyang anak. sa oras na iyon nagkaron ako ng realization at sinabi ko sa sarili na "shet ang baduy nga pero yung mga nakikita kong ginagawa ng mga matandang tiyuhin namin dati gagawin din pala namin".
14.3.13 1/2 ang lifespan daw ng tao ngayon ay umiikli na. maswerte ka na kung umabot ka pa ng 60. minsan tuloy naiisip ko na ang mid-life crisis nangyayari dapat kapag 30 years old ka na. ganun ka aaga. pero pag titingnan mo naman sa paligid hindi mangyayari yun kasi base sa mga buhay ng karamihan ng kakilala ko ang youth naman nae-extend na sa edad na 25-30. nakakatakot. lagi namin napaguusapan ng kabarkada ko na ang trend ngayon ay hindi na nagiging importante ang pag-nurture ng career sa 20's. sa totoo lang mas marami pa nga akong kakilalang nasa 20's na walang trabaho kasi ayaw mag-trabaho kesa sa walang trabaho dahil walang mahanap. pano na lang kaya yun?
14.2.13 kitakits sa nobyembre mula sa binababaan ko ng tricycle sa guadalupe meroong walkway papuntang edsa na dumadaan sa sogo. bihira ko gamitin yung shortcut na yun pero dahil balentayn kanina ay gusto ko mag-usyoso kung gano ka box office ang pila sa ganong araw. sakto pagdaan ko ay may pares na lumabas sa "discreet" entrance na parang nahihiya. gusto ko sana sila ngitian habang mabilis kong tinataas-baba ang dalawa kong kilay.
25.1.13 the funny thing about karma... bidang bida ang salitang karma tuwing may isang unfortunate event na nangyayari sa tin na gawa ng ibang tao. ayos nga naman kung totoo ang karma, lahat ng pagkakamali ng isa sa iba pagbabayaran niya. teka baka nga totoo ang karma, baka nga kaya tayo nakaranas ng mga unfortunate events dahil na-karma na pala tayo in the first place.. tapos saka natin sasabihin dun sa gumawa ng masama sa atin na puxang*na niya makakarma rin siya.
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |