
eto ang costume ng pamangkin ko nung um-attend siya sa halloween party sa club house ng barrio namin. ang cute cute ng suot niya kaya naman nakapag-ani siya ng isang plastic bag ng kendi sa trick or treat.
pagkatapos pagsawaan ng pamangkin ko yung costume, kinuha ko to tapos ako naman ang naglaro. nyahahahaha.
sino ang ginagaya ko?
a. ilong ranger
b. mang jose
c. zorro
d. wonder woman
***oo nga pala, bili kayo ng mga kendi sa kin, 50 sentimos na lang ang isa. yung isang plastic bag namin ng kendi kase hindi naipamigay, nakalimutan ng mga bata dumaan sa street namin nung naglilibot sila.