Ako si Kuya
i am 28 years old i am from baguio city i am a bs computer science graduate
YM id: a_aspi
Libre Bumati dito
Flickriver Mga Kakuwentuhan aia aki aleng ava benz cai cat cheska clarisse coy cruise david denisse eric esteban hanigrey hermie iskoo jhoanne josie keo kirsty klariz ladycess lorraine marelle marya melai neil pasulong paurong ryan sasha tin esophoric ver very wendy xienah yzza Mga Naligaw Dito Ang Nakalipas
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet Extra
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
|
7.11.06 karir: part 1 hindi ko na-imagine na ganito ang magiging trabaho ko. kahit nung college hindi pa rin ako sigurado kung anong klase ng buhay meron ako pagkatapos makuha ang diploma. computer science ang napili ko noon dahil ito "daw" ang in demand sa ibang bansa according to everyone. tanga tanga ko kasi kinuha ko ito kahit na wala naman talaga akong balak na mangibang bansa. ok admitted, nakiki-uso lang ako. basta yun. sige lang ng sige, enroll lang agad. nakuha ko pang pilitin yung dalawa kong kaklase sa highschool na kunin rin ang kurso ko para magkakasama pa rin kami. sa loob loob ko insurance din yun, kung sakaling magsisi ako siguradong may kadamay, hehe. wala akong malalim na dahilan kung bat ako nag-comsci. oo, mahilig ako sa computer--- games, pero sa programming hindi kahit pa naiintindihan ko ito. ang goal ko lang non ay makakuha ng diploma sa loob ng apat na taon. comsci ang nasimulan kaya yun na rin ang tatapusin ko. bawal ang mag-shift. magastos. simula 1997 ay walang permanenteng trabaho si erpats. ang kapal ko naman kung magshi-shift pa ko. palo ang aabutin ko nun. college, easy go lucky. dalawang bagay lang ang importante sa kin: (1) pumapasa, at (2) nage-enjoy. high grades? wala akong paki. aminado naman ako na hindi ako magaling mag-memorize kaya kanila na yung mga awards. ang sa akin, sinisiryoso ko yung mga bagay na sa tingin ko may kwenta. siryoso ako sa lab at sa projects dahil paniniwala ko dito nakikita talaga yung kakayanan ng isang tao sa eskwelahan. yung assignment, quiz, seatwork, at exam kinokopya ko na lang dahil alam kong pagkatapos ng isang taon kakalimutan ko rin naman kung ano mga isinulat ko doon. ganyan ang inikot ng mundo hanggang makatapos ng kolehiyo. to be continued...
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |