Ako si Kuya
i am 28 years old i am from baguio city i am a bs computer science graduate
YM id: a_aspi
Libre Bumati dito
Flickriver Mga Kakuwentuhan aia aki aleng ava benz cai cat cheska clarisse coy cruise david denisse eric esteban hanigrey hermie iskoo jhoanne josie keo kirsty klariz ladycess lorraine marelle marya melai neil pasulong paurong ryan sasha tin esophoric ver very wendy xienah yzza Mga Naligaw Dito Ang Nakalipas
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet Extra
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
|
22.11.06 poetry in motion caught and kept in paper nung isang araw ko pa balak gumawa ng post pero tuwing sasalang ako sa internet paulit ulit kong pinapanood sa youtube ang performance ng rivermaya hanggang sa maubos ang oras ko. sobrang astig kase eh, sa katunayan dahil lang dun sa performance na yon kaya ako bumili ng album nilang "between the stars and waves". hindi ko naman pinagsisihan yung napuntahan nung tatlong daang piso ko. wala kaming internet sa bahay kaya sa kapitbahay na sm lang ako nago-online. limitado ang oras para maka-access sa net, as in bitin kaya naman pc sa bahay at internet service ang wish ko sa darating na pasko. sana matupad. anyways, mag-entry na tayo. nitong past few days ko lang naalala na may camera pala yung telepono ko. ang slow no? nung august ko pa ito binili pero ngayon ko lang napagtripan. ok din pala, kung sino sino at kung ano-ano nga ang nilitratuhan ko eh. para akong engot na tutwad tuwad kung minsan. paki ba nila? haha. basta inggit ako dun sa may mga photo-blog kaya, sige, ako rin kukuha ng mga litrato at magpo-post na ng mga picture. yang mga ipinaskil ko sa ibaba ay ilan sa mga paborito kong litratong nakunan last week. ![]() eto si puti, isa siya sa mga pusang ampon namin ngayon. noon kontrabida siya dahil inaagawan niya parati ng pagkain ang dati naming pusa na si doggie. nang mamatay si doggie naging panata ni erpats na papakainin niya at aalagaan ang lahat ng pusakal na umaaligid sa bahay. sa dami ng pusa namin ngayon tanging si puti lang ang nagpapahawak sa tao. ![]() last saturday ikinasal sa isa't isa ang dalawa naming kaklase noong college. sobrang bilis nga naman ng panahon. dati yung mga ka-age ko na ikinakasal ay yung mga mga tipong nabuntis o nakabuntis lang ng wala sa oras. ngayon andiyan na yung mga nagpapakasal dahil handa na sila sa buhay mag-asawa. ![]() nung thursday nagkaroon ng event sa cafe ng kabarkada ko na bagong bukas lang last october. suvasa ang naging pangalan nung programa na umiikot ang tema sa poetry, art at music. feeling ko non ay andun ako sa bar na pinasukan ni freddie prinze jr sa "she's all that" kung saan pinanood niya ang acting/dance number ni rachel leigh cook. asteeg. yung babae nga pala na nasa litrato ay miyembro ng bandang lakbay lahi. bale siya yung taga sayaw ng ethnic dance. nakakatuwa rin naman dahil kahit na bibihira na ang ganitong klase ng mga performer eh andiyan pa rin ang mga taong tumatangkilik sa kanila. nagulat nga ako nun dahil malaking persiyento ng audience ang talagang humanga after nila mag perform. ilan pa lang yan sa mga kuha ko gamit ang hindi naman masama na 2.0mp built in camera ng motorola razr v3x. para makita ang ibang pang mga litrato ko pwedeng bumisita sa flickr account ko.
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |