nagsimula akong bumili ng cd nitong 2004 lang. hindi ko binalak na gumawa ng koleksyon, napapabili lang ako dahil yung mga gusto kong kanta hindi pinapatugtog sa radyo o kung patugtugin man minsan lang. hindi naman gawa sa bakal ni wolverine yung betlog ko kaya wala rin akong lakas ng loob na mag-request sa radyo na patugtugin yung gusto ko. isa isa akong bumili ng cd hangang sa lumaki na nga ang koleksyon ko sa bahay.
ok, tour tayo sa audio library ko.

simula tayo sa "simple changes" ng
the ambassadors, a punk group from cebu. kung gusto mo ng masayang tugtugan pakinggan mo sila. ito pinapakinggan ko pag nagtitiklop ng damit, nagluluto at naghuhugas ng pinggan. sila nga pala yung kumanta ng theme ng show na "it's a guy thing" sa studio 23. may bagong album ang
the ambassadors ngayon na wala pa ko. balak kong bumili nito once na pumunta ko sa metro, balita ko kase sa manila lang ang pinakamalapit na lugar na mapagkukunan ko nito.
next stop dicta license. kumpara sa karamihan, iba ang tema ng mga kanta ng bandang ito na kadalasang umiikot sa society, humanity, at political healing. "paghilom" ang title ng album nilang nasa litrato. ang alam ko matagal na silang tumutugtog pero last year lang sila merong release. 2005 eto yung paborito kong album kasama ng "embrace" ng urbandub at "take 2" ng imago. sayang hindi nai-sama sa paghilom yung ibang kanta nila tulad ng "smoke under the table".
eto yung tatlong album ng urbandub. yung nasa harapan yung "birth". yung brown ang 2nd album nilang "influence". at yung may dahon dahon sa background nung bata yung latest, "embrace" ang title. paborito kong banda for the past 3 years. sobrang poetic kase, last time na naranasan ko yung tumayo ang balahibo ko sa ganda ng pagkakasulat at pag-interpret ng kanta ay nung 1996 pa, eto yung sa "melon collie and the infinite sadness" album na isinulat ni billy corgan (smashing pumpkins). gustong gusto ko ang bagsak ng mga instrumento at pagkaka-arrange ng mga kanta nila. gustong gusto ko rin si lalay na basista ng bandang nasabi.
kagaya ng ambassadors at faspitch galing din sila sa lighter records na humahawak sa mga astiging artists sa visayas at mindanao area. urbandub yung na-unang naging regular sa metro manila, sinundan sila ng the ambassadors, dice and k9/mobstarr (featured sa kantang apart ng urbandub kasama rin yung vocals ng powerspoonz), at ngayon naman faspitch.
typecast, galing sa laguna. yung pangalawang album na "the infatuation is always there" yung kulay papel. tapos yung bago "every moss and cobweb" na kulay black. matagal na ring nasa playlist ko tong banda na to. sayang wala ako nung una nila, malabo na siguro na makakuha pa ko nun. gustong gusto ko sa mga kanta nila yung "another minuite until 10", "21 and counting", "clutching", at "guilt kill". sa bagong album ang trip ko "the boston drama", "will you ever learn", "the conflict", "my farewell" at "bright eyes".
chicosci!!! dalawa lang yung meron ko sa kanila, yung "icarus" at "chicosci". yung self-titled nila yung puti na pinakagusto kong album nila so far. sa mga gigs at concerts lang 'to nabibili kaya medyo rare. kaisa-isang siyang album ko na may pirma ng bawat miyembro ng banda.
madaming hindi nagugustuhan ang chicosci ngayon dahil sa super evolution ng kanilang tugtugan. hindi na kase tumutugma sa preference ng ibang tao ang bagong tunog ng chicosci kaya inayawan na nila ito. kasabay ng pag-ayaw nila ay ang walang kamatayang pagtuligsa sa banda at ng mga sumusuporta dito. ang sa akin lang, artist ang chicosci, karapatan nilang maging malikhain sila at mag-eksperimento ng mga bagong tunog. wag sana natin silang i-kahon sa iisang anyo lang.
yan ang "the future of ear repair" ng faspitch. isa pang astig na banda galing sa cebu. lighter records din ang may hawak dito. una ko silang narinig sa compilation na "full volume" (a day before pisces). mahigit isang taon ang hinintay ko bago magkaroon ng album na ito. akala ko nga imposible nang magkakaroon ako nito dahil sa mga gig lang nabibili ang album nila. based sila sa cebu kaya bihira lang sa maynila at malabong mapadpad sa cavite. salamat na lang sa kaibigan kong si judy dahil ibinili niya ko ng cd sa sonicboom na ginanap sa bf paranaque two weeks ago. sa kasalukuyan ito ang nagpapasakit ng ulo ni erpats sa bahay.
meron ako nung dalawang album ng bamboo. self titled at "light peace love". di ko na kelangan magsalita tungkol sa quality ng mga kantang ginagawa nila dahil lahat naman yata kilala ang bamboo. isang beses ko pa lang sila nakita mag-perform. magaling nga sila, sobra. astig na astig lalo na yung signature move ni bamboo na parang naglalakad na robot na de susi.
kadalasang napapatugtog ang mga cd ko nito kapag bumibisita sa bahay ang ate at kuya ko sa bahay, si bamboo lang yung medyo kilala nila.
isunod natin ang imago. nung early 2005 ang kantang "taning" yung national anthem sa bahay. pagka gising sa umaga isasalang ko na sa cd player yung "take 2", ang sarap kase mag-almusal o maligo habang pinapakinggan yung kantang "anino", "bihag", "gratitude", atbp. meron din ako nung latest nila, yung may "taralets". paborito ko dun yung kantang "sundo". hindi ko pa gaanong napapakinggan yung buong album kaya no comment na lang muna.
gustong gusto ko sana magkaroon nung debut album nila dahil ito yung pinakamaganda. according to yahoogroups! nasa viva records ang rights ng album na ito kaya wala nang inire-reproduce. wala na rin nga akong makita sa kahit saan.
updharmadown. gawa sa balutan ng pandesal yung case ng cd nila. pero wag kayo ha, super galing si armi mallare kung kumanta. pang relax ang klase ng tugtugan kaya nga pinapakinggan ko ang "fragmented" na album tuwing matutulog. maduduyan ka talaga at mahihimbing bago pa matapos ang lahat ng tracks. kung umakyat ang singil sa kuryente namin nitong nakalipas na buwan, kasama ang updharmadown sa pwede sisihin. hindi ko na kasi nagagawang patayin yung player sa gabi dahil hume-hele na ko ng mahimbing kahit tumugtog pa ang player. oo nga pala, galing rin ang updharmadown sa terno records na may hawak din ng radioactive sago project.
ang pinakabago? hilera. kakabili ko lang nung isang araw. hindi ko pa kabisado ang mga kanta nila pero familiar na ko dun sa "rhyme without reason" at "define". susubukan ko pa i-absorb yung mga kanta nila nitong mga susunod na araw.
si chris na vocalist ng hilera ang isa sa mga naging guest vocals ng urbandub sa nakaraang sonicboom nung absent si gab alipe dahil sa pagpanaw ng isang kamaganak sa cebu.
shempre hindi mawawala ang nasa tuktok ng family tree ng opm. eto yung "circus" ng eraserheads. 2nd album na nila to. lahat ng kanta maganda, timeless ika nga. kabilang sa album na yan yung mga kantang "magasin", "alapaap", "kailan", "minsan", "with a smile", "wishing wells", "sembreak" at marami pa. naaalala ko nung highschool ako na memoryado pa namin yung "punk zappa". mano mano pa ang pag memorya namin nito kase wala pang internet nun kung san pwede mag-research ng lyrics.
sa background ng picture makikita ang tribute album na pinamagatang "ultraelectromagneticjam". sa opinyon ko ito ang pinaka successful na album last 2005/2006.
ok ang sandwich pero mas gusto ko sila nung si marc abaya (kjwan) pa ang vocalist nito. wala na ko makitang mga luma nila kaya yung 2 in 1 na lang binili ko, "four track mind" at "grip stand throw" na pinagsama.
ok rin naman ang sandwich ngayon pero kung ako papapiliin mas gugustuhin ko yung luma. andun kase yung "butterfly carnival" at "food for the soul", san ka pa diba?
madami pa kong mga cd pero hindi ko na iisa-isahin, hayan sila sa baba.

clockwise from top-right: spongecola(palabas), itchyworms(noontime show), join the club(nobela), rivermaya(between the stars and waves), orange n lemons(strike whilst the iron is hot), hale(self titled)
mahilig din ako sa mga female vocals. saydie yung nasa gitna, ito yung pinakamaingay kong cd sa collection. dati sabi ko hindi ako makikinig ng masyado maingay pero exception pala kapag si kathy taylor ang vocals. nyahaha.

counter-clockwise from top-left: sessionroad(suntok sa buwan), kitchie nadal(self titled) [sinira siya ng masa grrr], mojofly(mojofly now), paramita(tala), updharmadown(fragmented), barbie(barbie singles), imago(take 2, blush), saydie (self titled)
may ilan din akong mga foreign na cd. kadalasan bumibili lang ako pag sale, mabigat kase sa bulsa pag 450php kada piraso.

clockwise from top-left: ginblossoms(the best of ginblossoms), incubus(science), incubus(morning view), 311(the best of 311), my chemical romance(3 cheers for my sweet revenge), dashboard confessionals(swiss army romance)