Ako si Kuya
i am 28 years old i am from baguio city i am a bs computer science graduate
YM id: a_aspi
Libre Bumati dito
Flickriver Mga Kakuwentuhan aia aki aleng ava benz cai cat cheska clarisse coy cruise david denisse eric esteban hanigrey hermie iskoo jhoanne josie keo kirsty klariz ladycess lorraine marelle marya melai neil pasulong paurong ryan sasha tin esophoric ver very wendy xienah yzza Mga Naligaw Dito Ang Nakalipas
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet Extra
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
|
17.12.06 the earth laughs beneath my heavy feet, at the blasphemy in my old jangly walk may isa akong kakilala na nagsabing natatawa daw siya sa kin dahil ang weird ko daw, parati niya daw kasi ako nakikitang naglalakad sa mall ng magisa. parang autistic daw. napaisip tuloy ako ng malalim, mga 2 seconds, tapos natawa na din ako sa sinabi niya. napagisip-isip ko na tanging baliw lang ang natatawa sa taong naglalakad ng walang kasama. ugali ko nang magikot sa mall dahil ito na lang ang exercise na nagagawa ko ngayon. sports ang exercise ko dati pero wala na kong oras para sa ganito ngayon. hindi na ko nakakapag-basketball araw araw dahil madilim na kapag dumadating ako sa amin. takot na akong pumunta sa court nun para mag-shooting dahil baka magpakita sa kin yung pugot dun sa may puno ng niyog. at yung badminton naman once o twice a week lang kaya bitin din. ayun, paglalakad na lang talaga ang choice ko at sa sm ko ito ginagawa. sa mall kasi mas maliit ang probability na makatapak ako ng ebak ng aso kumpara sa paglalakad sa subdivision. isa pa, aircon ang mall. mga isa hanggang isa't kalahating oras akong umiikot sa mall, titingin tingin ng kung anong meron at kung anong bago. pasyal konti. window shopping. kapag may pera, bibili ng cd na natitipuan. shempre hindi kumpleto ang paglalakad ng hindi ko dinudungaw yung bagay dun sa mall na pinapangarap kong iregalo ni santa sa kin this year. ewan ko kung effective exercise ang paglalakad sa mall pero nalilibang ako kapag ginagawa ko ito. kasabay kasi ng paglalakad gumagana ang utak ko. marami akong naiisip na mga bagay at ideya, katulad na lang ng entry na ito. kanina pagkatapos mamasyal at maglakad sa sm bumalik ako sa simbahan para bumili ng... (drum roll) dalawang order ng puto bumbong. ![]() nakakatakam no? treat ko yan sa sarili ko, natanggap na kasi namin ang aming 14th month pay. yehey!!!
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |