tawag sa hairstyle ko ngayon "bahala na", kung minsan kase nasa kaliwa yung hati minsan nasa kanan. kamay lang ang gamit kong pangsuklay pero naglalagay pa rin naman ako ng pampapogi ng buhok na usually wax based.
siguro may limang taon na rin akong hindi nagpapagupit sa barber shop. simula nung college sa salon na ko nagpapagupit dahil wala akong alam na magandang gumupit na barbero sa lugar namin. puro gupit ni jolas lang yata ang alam nila, buhok carpenter style.
medyo may kahabaan ang style ng buhok ko ngayon kaya hindi na masyadong ginagamitan ng blade o labaha, hindi tulad dati nung "3 by 4" yung gupit ko. buong batok ko yata ang nilalabaha na halos masugat na. nami-miss ko na tuloy yung nakaka-adik na pakiramdam nung bagong ahit ang batok na nilagyan ng alcohol.
"parang ang kati... ayan alcohol... shet ang hapdi! ang hapdi!!! aaahhhhhhhhhhhh sarrrrapppp..."