Ako si Kuya
i am 28 years old i am from baguio city i am a bs computer science graduate
YM id: a_aspi
Libre Bumati dito
Flickriver Mga Kakuwentuhan aia aki aleng ava benz cai cat cheska clarisse coy cruise david denisse eric esteban hanigrey hermie iskoo jhoanne josie keo kirsty klariz ladycess lorraine marelle marya melai neil pasulong paurong ryan sasha tin esophoric ver very wendy xienah yzza Mga Naligaw Dito Ang Nakalipas
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet Extra
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
|
21.12.06 what is the box? malagim na trahedya, nagkasakit ng magkasabay yung dalawa naming telebisyon. umaandar pa naman pero pangit na ang kulay. pareho silang nagiging magkahalong kulay black and white at green yung magkabilang side ng screen. kung minsan nakaka walang gana manood tuloy, lalo na kung yung bida sa pinapanood mahilig pumunta sa mga gilid. misteryo nung una yung nangyari sa mga tv namin, bigla na lang kase sila naging ganon. imposibleng nahawa lang yung isang tv dun sa kabila dahil ang alam ko malabo na magkahawaan ang dalawang tv na parang tao. ang hinala namin ni erpats ay may electric surge na nangyari nung biglang magkaroon ng kuryente last week pagkatapos ng brown out. sakto kasi nun nakasaksak sila pareho at naka stand-by mode. ewan ko kung maaayos pa sila. nakakalungkot naman kung papalitan kase matagal tagal na rin silang nagserbisyo sa amin. yung isa mahigit sampung taon, yung isa naman mga limang taon na rin siguro. subukan ko kayang ayusin? matagal tagal na rin akong hindi nakakapag-"mac gyver" eh. gamitin ko kaya yung pinakasikat na pamamaraan ng pag-repair ng mga bagay, ang paghampas ng malakas? dalawa lang naman pwede mangyari eh, either maayos or lalong masira. pero maigi pa ipaubaya na lang namin sa repairman. bonding moments pala namin ni erpat ang panonood ng tv. tingnan niyo yung litrato masaya kami. ![]() november 19 kinuha ang litratong iyan pagkatapos manood ng laban ng "the finale".
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |