
marunong ako magluto pero yung mga prito lang kaya ibig sabihin kabilang ako dun sa mga taong hindi talaga marunong magluto.
kapag ako lang magisa sa bahay, nagugutom, at walang available na pagkain ang ginagawa ko na lang ay kumukuha ako ng kung anong makikita sa naka-stock na mga delata namin.
kung mga delata ang pagpipilian, ang pinakamasarap na kombinasyon para sa kin ay spam, sunnyside up na itlog, at kanin. iyan lang masa-satisfy na ang pagkagutom ko at ang pagkatakam ko sa pagkaing masarap ang lasa.
***hindi ko inaaraw araw ang delata kaya hindi naman siguro ganun kasama sa katawan.