Tayo na't Magkwentuhan - Mga Weblogs Ni Ace

Ako si Kuya

Ace
i am 28 years old
i am from baguio city
i am a bs computer science graduate



YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Flickr Account


Libre Bumati dito

Flickriver

a_aspi - Flickriver

Mga Kakuwentuhan

aimee
aia
aki
aleng
ava
benz
cai
cat
cheska
clarisse
coy
cruise
david
denisse
eric
esteban
hanigrey
hermie
iskoo
jhoanne
josie
keo
kirsty
klariz
ladycess
lorraine
marelle
marya
melai
neil
pasulong
paurong
ryan
sasha
tin esophoric
ver
very
wendy
xienah
yzza

Mga Naligaw Dito

Ang Nakalipas

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

Extra

top blogs
Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v4.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

3.1.07

so you go for miles and miles, destination nowhere, no means or how

kung magko-commute mas trip ko sumakay sa jeep kesa sa bus. gusto ko kase yung pakiramdam ng malakas na hangin na sumasampal sa mukha ko na kung minsan hindi na ko makahinga sa sobrang lakas. basta, yung sobrang lakas talaga na kapag sumigaw ako walang makakarinig kase papasok ulit yun boses sa loob ng bibig ko. nararanasan ko lang ang feeling na yun kapag sumasakay ako sa jeep na tumatakbo na kasing bilis ng spaceship ni kokey.

joy ride na sana talaga ang pagsakay jeep kung hindi lang pinapairal ng mga driver/dispatcher ang pagka-eksperto nila sa matematika. iyon ang kinaiinisan ko sa kanila.

sa terminal kase ako sumasakay kung saan puno dapat ang jeep bago umalis. alam mo naman ang puno para sa mga dispatcher, yung waluhan ginagawang sampuan. malas mo kung ikaw ang huling sasakay dahil sa hangin ka na lang uupo. ang totoo ay naka-squat ka at nagpapanggap lang na kunwari nakalapat ang pwet mo sa upuan. kapareho lang ang bayad mo dun sa mga nakaupo ng kumportable pero ikaw gumastos para parusahan ang sarili.

isa pang pinaka nagugustuhan ko sa mga driver ay ang kanilang pag-apply sa daily life ng itinuro sa elementary na "rounding-off to the nearest ones". napansin ko lang na kapag nagbayad ka ng walong piso wala kang sukli. kapag sampung piso, dos ang sukli. 7.50 ang minimum pero pumapatak na otso ang ginagawa nilang standard na minimum fare. oo, maliit lang ang singkwenta sentimos, hindi na nga ito hinihingi kapag kulang ang sukli eh. ang point ko lang ay bakit 7.50 pa ang hiniling nilang minimum kung hindi rin nila ito susundin. eh kung saradong 8.00 na lang sana hindi na ko nagrereklamo. diba, ba't pa sila gagawa ng patakaran kung babaliin rin lang?

eto pala ang latest, hindi ko alam na ibinalik na sa siyete ang pamasahe sa jeep. paubos na yung ipon ko ng bente singko sentimos nang malaman ko na sobra ang ibinabayad ko. pano ba naman kase wala man lang ni isang jeep akong nasakyan na may updated price list (taripa ba tawag dun?). magaling, pag fare hike kasing laki ng billboard ng naka-panty na miyembro ng pussycat dolls ang ipinapaskil sa likod ng driver pero pag roll back naman walang kahit isa na umiimik. patas na patas talaga.

oo, barya barya lang daw ang kinikita ng jeepney driver. mas maliit nga siguro kung ikukumpara sa ibang trabaho pero sana naman.... sana naman... wag nila idahilan yun para manlamang sila sa kapwa.


DITO ANG LUMANG BLOG