
nawawala na si "puti", yung kaisaisa naming pusa na nagpapahawak. kung hindi ako nagkakamali nakipagtanan na yata yun dun sa tatlo ang kulay.
dadalawa na lang tuloy yung naiwang pusa namin at sila yung nasa picture. si "secretary defensor" yung nasa kaliwa, si "representative escudero" naman yung nasa kanan.
ma-cute na sana sila dahil ang lalambing kapag humihingi ng pagkain pero pag hahawakan mo naman nagsisipagtakbuhan na sila papalayo.