isa isa nang bina-block ang iba't ibang mga website sa opisina. una sa listahan ang friendster siyempre, pati myspace at multiply dinamay na rin nila. may kutob ako na hindi magtatagal ang blogdrive at blogspot iba-block na rin nila. ayun tuloy, marami na sa amin ang hindi naka-"last login: 24 hours" parati.
nung una ok lang kase meron namang kproxy.com at projectbypass.com kung san pwede mo pa rin ma-access yung mga site na nabanggit sa taas. after ilang araw pati yung mga proxy na yan blocked na rin, na-detect na yata nila. eh pano yun kung nade-detect nga nila ang lahat ng sites na pinupuntahan ng bawat isa sa min, edi sooner or later malalaman na rin nila yung isa kong pinapasukang proxy na wala akong sinasabihan kahit isa sa opisina.
hmmm... ok lang, may internet naman dito sa bahay eh.