
napagpasyahan ng buong barkada sa aming village na mag picnic kaninang tanghali. simple lang naman ang handa. kanin at sinigang. pinaghalo-halo lang lahat tapos inilagay sa ibabaw ng isang malinis na dahon ng saging at ayun, kanya kanyang kamay na. dagdagan mo pa ng malamig na malamig na coke at solve ka na talaga.
lalo pa yatang nakapagpasarap ng kainan ay yung matinding sikat ng araw, lilim ng puno at preskong daloy ng hangin.