
basketbol ang naging pinaka libangan ko nung highschool. eto kasi ang pinaka tipid na palipas oras. maaaring maging gastos mo lang ay limang piso para pang pusta ng ice tubig o kaya 26.00php pang pusta ng coke 1.5 liters (pang 1996-1999 ang presyo ng mga nabanggit), hati hati pa kayo ng mga kampi mo niyan ng bayad kung matalo kayo.
hindi nga pala uso ang rubber shoes sa court na pinaglalaruan namin noon kaya play at your own risk talaga. either magalalaro ka ng naka tsinelas o kaya naman magpapaa ka. normal na nga ang umuwi ng puro paltos ang paa.