
pumunta ako sa gig ng mojofly kanina. bale last march pa dapat sila magpe-perform dun sa isang bar dito sa dasma pero na-cancel. may scheduled brown out pala nun ang robinson's dasma at nalaman lang ng owner ng bar nung tumutugtog na ang front act para sa mojofly gig.
anyways, ginawa ko na rin itong pagkakataon para mag-experiment ng iba't ibang kuha gamit yung camera ko na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung pano gamitin ang mga manual settings, bale umasa na lang ako sa mga pre-set scenarios nito. natuwa naman ako dahil nakatsamba ako ng ilang mga shots kay lougee na nagustuhan ko.

shempre di kumpleto ang gig kung hindi ako papalitrato kay lougee. pang friendster din yun!!!