semi-nature trip muna tayo ngayon...

isang magandang bagay na bumabati sa kin tuwing umaga ay ang miniature garden pag labas ng aming front door. lola ko ang nagaalaga ng parting ito ng tahanan namin. kita niyo naman kung gano kalupit ang lola ko, almost 90 na pero kayang kaya pa rin mag garden.

maraming mga bulaklak ang nakikita ko sa garden pero hindi ko alam ang mga pangalan nito dahil absent ako nung botany ang tinuturo sa biology nung 2nd year highschool kami.

eto alam ko ang pangalan pero hindi ko naman kaya i-spell...

kapag gusto ko magrelax at magpahangin pero medyo nasasawa na ko sa garden may iba akong lugar na pinupuntahan. ito ay yung mini park na dalawang kanto lang ang layo sa bahay namin.
wag ka nga lang pupunta dito kapag gabi dahil limang korean citizen na ang nagrereport na may nakikita silang pugot na multo diyan.

at paalala lang na ang mga magagandang mga bagay dapat inaalagaan... kahit public property pa ito.