19 to 20 years ago, nung batang bata pa ko, nagkaroon ng bulutong yung isa sa min sa bahay. di ko matandaan kung sino. basta isa sa mga kapatid ko, o yung pinsan ko, o ako yun.
ang pagkakaalam ni mama once lang daw nagkakaroon ng bulutong ang isang tao sa buong buhay niya. at dahil diyan isang napakagandang idea ang pumasok sa kanyang kukote.
instead na i-quarantine yung infected sa min, pinagsama-sama niya pa kami sa isang kwarto para magkahawaan. mabuti na raw na ganun para sabay sabay na naming malampasan at mapagdaanan ang bahaging iyon ng buhay namin na once in a lifetime lang kung mangyari.
tama nga naman, dahil dun hindi na namin inaalala pa kahit kelan na baka isang araw magkabulutong kami bigla.