Tayo na't Magkwentuhan - Mga Weblogs Ni Ace

Ako si Kuya

Ace
i am 28 years old
i am from baguio city
i am a bs computer science graduate



YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Flickr Account


Libre Bumati dito

Flickriver

a_aspi - Flickriver

Mga Kakuwentuhan

aimee
aia
aki
aleng
ava
benz
cai
cat
cheska
clarisse
coy
cruise
david
denisse
eric
esteban
hanigrey
hermie
iskoo
jhoanne
josie
keo
kirsty
klariz
ladycess
lorraine
marelle
marya
melai
neil
pasulong
paurong
ryan
sasha
tin esophoric
ver
very
wendy
xienah
yzza

Mga Naligaw Dito

Ang Nakalipas

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

Extra

top blogs
Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v4.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

16.8.07

130/90

ginaganap this week ang annual physical examination ng lahat sa office. bukas pa dapat ako naka-schedule pero may training kami sa labas ng opisina kaya tinapos ko na ang lahat ng dapat tapusin kanina.

hindi ako kumportable sa mga physical exams. ayaw ko ng may mga bagay na ginagawa sa katawan ko ang ibang tao. kung minsan nawawalan rin ako ng tiwala bigla sa mga nagpa-practice ng medicine at ng physical examinations. naiisip ko kase na sa mga maramihang pag-e-eksamen ng mga tao (kagaya ng ginagawa sa opisina ngayon) may tendency na mag-relax at maging inattentive ang mga doctor/nurse/physician sa mga ginagawa nila, ganon kase pag paulit-ulit mong ginagawa ang isang bagay. eh pano pag nagkamali tapos naaksidente? patay tayo dun.

bagong fear. natatakot na ko sa mga doktor, madami kase ako nababalitaang lapses at malpractices na nagiging cause ng mga kumplikasyon sa katawan. siguro, ngayon, magiging at ease lang ako pag may kasaman akong maalam sa field ng medicine/physical examination at nagbabantay sa bawat galaw ng doctor/nurse/physician.

dalawang bagay ang kinakatakutan ko sa mga physical examinations, yung turukan ako ng kung anu-ano at yung paghubuin ako. yung x-ray, bp, stethoscope (chest? lung?) exam, eye exam, pagkuha ng height/weight, dental at eye/ear/throat exam kaya kong lampasan ng walang problema. yung dalawa lang talaga.

at nangyari na nga kanina yung kinakatakutan ko.

una pinahubo sa kin ang pantalon at underwear ko para suriing mabuti ang tumbong ko. good news, wala namang foreign object na nakita. nung una medyo naaalangan ako. pano na lang kung pagpasok ko sa kwarto yung nurse na mageeksamen sa kin ay kaibigan ko nung college? tapos babae pa? nakakahiya yon! buti na lang matandang lalakeng doktor yung nasa loob kaya medyo ok. inisip ko na lang na mahigit isang libong pwet ang titingnan niya this week at imposibleng maalala niya yung itsura nung sa akin.

pangalawang challenge na. needles challenge. akala ko isang beses lang ito, dalawa pala. yung isa para sa blood sample tapos meron pang anti-flu vaccine. technique na ginamit ko para lampasan ito ay habang tinuturukan ako tumitingin ako dun sa mga taong mukhang mas tatakutin pa sa kin na may hawak nang bulak sa braso nila. ngayon ko lang napatunayan, pwede pala gamitin ang pride sa mabuting bagay. basta kinabahan pa rin ako ng husto. lakad ako ng lakad bago pumunta dun sa nangunguha ng dugo. kung ano ano iniisip ko. alam ko wild imagination pero pano kung nagkamali sila? pano kung napuruhan ng husto yung ugat ko, lumabas ang kalahati ng dugo ko sa katawan tapos hindi na nila maibalik? basta, kabado ako sa mga needles. tapos.


DITO ANG LUMANG BLOG