gusto ko yung ganitong panahon, yung kahit hindi na mag electric fan ok lang. masarap matulog. yung pagpatak ng ulan sa bubong parang therapy na nakaka-relax. problema lang sa ganitong weather ay madaling magkasakit, mabilis akong nagkaka sipon at ubo. kung mamalasin andiyan pa ang trangkaso.
at minamalas nga ako ngayon. parang hindi umubra yung anti-flu vaccine na itinurok sa kin last thursday. napasama pa nga yata dahil tuwing gabi nilalagnat ako. nahihirapan pa ko matulog sa sakit ng katawan.
sa umaga laging feeling ko pagaling na ko kaya napipilitan akong pumasok ng trabaho. naiisip ko lang na "sana nagpagaling na lang ako at hindi ako pumasok" tuwing malapit na ang uwian at halos hindi na ko makatayo sa office chair at konting bangon lang hihingal ako. at hindi lang diyan natatapos ang parusang nararanasan ko nitong huling mga araw, pinakamahirap sa lahat ay ang paglalakad ko mula sa gate ng subdivision papuntang bahay. haaay, ang hirap ng may sakit.
anyway, ang ganda pa rin ng ganitong panahon. tag-ulan. ang sarap matulog.