kung hindi ako nagkakamali patapos na ang summer ng 1993 nung ipinalabas sa channel 2 yung last episode nito.
nung lumabas galing sa kanya kanyang mga bahay ang buong barkada sa min para maglaro kitang kita ang bakas ng luha sa mga mata ng bawat isa sa amin.
puchang sad ending yan, apektado ako eh.
sino ba naman ang hindi malulungkot sa istorya ng isang batang dukha na may mataas na pangarap? biktima na nga siya ng child labor tapos namatay pa siya sa huli katabi yung faithful aso niyang si patrasch. hindi ka siguro normal na tao kung hindi ka malulungkot sa "a dog of flanders".
mabuti pa mga anime dati eh, hindi tulad ngayon puro patayan ng halimaw.