Tayo na't Magkwentuhan - Mga Weblogs Ni Ace

Ako si Kuya

Ace
i am 28 years old
i am from baguio city
i am a bs computer science graduate



YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Flickr Account


Libre Bumati dito

Flickriver

a_aspi - Flickriver

Mga Kakuwentuhan

aimee
aia
aki
aleng
ava
benz
cai
cat
cheska
clarisse
coy
cruise
david
denisse
eric
esteban
hanigrey
hermie
iskoo
jhoanne
josie
keo
kirsty
klariz
ladycess
lorraine
marelle
marya
melai
neil
pasulong
paurong
ryan
sasha
tin esophoric
ver
very
wendy
xienah
yzza

Mga Naligaw Dito

Ang Nakalipas

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

Extra

top blogs
Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v4.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

3.9.07

vcd on board

jasper jean ang tatak ng mga bus na sinasakyan mula sa min papuntang edsa. swerte pag bago ang nasakyan mo kase yung mga luma ay kilalang pugad ng mga maliliit na ipis.

bago ang nasakyan naming bus nung isang gabi kaya masaya ako. mabango, malinis, at higit sa lahat walang ipis. may bonus pang vcd on board. ok yun dahil may paglilibangan, expected ko kase mahaba ang biyahe dahil biyernes nun at malamang traffic.

hindi yung usual van damme o old school jet li film ang palabas sa bus. tagalog. si jeric raval yata yung bida... tinulugan ko.

pero bago makatulog napanood ko ang ilang bahagi nung pelikula.

sa simula, habang nasa bus papuntang probinsya, ipinagtanggol ni bida ang isang babae sa mga manghihipong siga.

nakatulog ako...

pagkagising ko mag-on na yung bida tsaka yung babaeng binastos ng mga siga.

nakatulog ulit ako...

sunod na gising ko, sinusugod na ng bida magisa yung warehouse kung saan nandon yung private army ni subas herrero. sa sahig lang tumatama ang mga bala ng kalaban.

nung naubos yung mga kalaban nag-hang na yung vcd... pirated. bumalik sa bandang gitna yung pelikula.

inilipat na sa marimar yung palabas.


DITO ANG LUMANG BLOG