after 10 months unti-unti nang namamatay yung binili kong pc. badtrip, kung kelan ko ito kailangan saka naman nagkaganito. bwisit na trojan yan, di ko alam kung san nanggaling.
tatlo lang suspect ko sa pangyayaring ito. kuya ko, erpats ko, at ate ko. nakakasiguro akong hindi ako ang may sala dahil friendster, myspace, multiply, blogger, at ilang static sites lang naman ang binubuksan ko. di rin naman manggagaling sa e-mail ko yun dahil hindi ako nagbubukas ng e-mail na may attachment. tama na nga ang sisihan.
hinahanda ko na ang sarili ko sa maaaring mangyari bukas. baka di na kase ma-recover yung mga files na nakalagay sa hard disk drive. sayang yung mga pictures, wala pa naman akong back-up. yung mga mp3 sayang rin, matrabaho kung isa isa kong iri-rip yung mga cd ko. sayang yung mga pinagpaguran ko.
hindi yata ako maswerte pag dating sa mga gadgets nitong 2007. yung phone na isa sira, yung playstation may topak din at naninira ng mga cd, ngayon pati tong computer nasira na rin. sheeeesh, lahat na lang ng paborito kong mga bagay o!!!