nae-enjoy ko na ulit ang two day rests. may bagong rule na napatupad sa office, minimal na dapat ang overtimes tuwing weekend. good for me, feeling ko kase kulang na kulang ako sa mga restday. ang dami kong gustong gawin sa labas ng opisina tapos wala naman ako masimulan. ngayon, wish granted na. yehey!
last two weekends sa bahay lang ako madalas, hindi na nga ako sanay eh. matagal tagal ko na ring hindi naranasan yung naka sando at shorts lang ako, nagre-relax sa sofa, at ang naririnig sa background ay either yung variety show sa tanghali o kaya rj one hundred point three na pinapakinggan ni erpats. maeenjoy ko na ulit ang mga bagay na iyon na kung tutuusin ay hindi naman talaga nakakatuwa. pero ako natutuwa. weird ako eh.
downside ng walang ot ay wala ring extra income. bayad naman na yung ilan sa mga ni-loan ko kaya hindi naman siguro magiging ganun kalaki ang impact sa kin. at tsaka kung kapalit naman nito ay oras para sa ibang bagay na mahalaga para sa kin, madali na lang i-sakripisyo ang extra income na iyon.