magpapagupit sana ko kaso wala si ms gemma.
sino si ms gemma? siya ang may pakana nitong badly groomed and untidy looking hairstyle ko. kasalukuyang nasa barcelona daw siya, namamasyal yata. sa a-singko pa ang balik kaya medyo made-delay ng ilang araw ang pagpapagupit ko.
last month pala sinubukan ko magpa-highlight ng buhok. kulay pula. ok naman, nung natapos kulayan napangiti ako ng mga 3 seconds tapos wala na, yun lang. bale apat ang kulay ng buhok ko ngayon. dark brown na natural nitong kulay, brown na ikinulay ko mga 4 months ago, yung highlights na pula at puti na mga buhok na gusto kong mawala pero nakaligtas sa lahat ng sinubukan kong pangkulay.