Ako si Kuya
i am 28 years old i am from baguio city i am a bs computer science graduate
YM id: a_aspi
Libre Bumati dito
Flickriver Mga Kakuwentuhan aia aki aleng ava benz cai cat cheska clarisse coy cruise david denisse eric esteban hanigrey hermie iskoo jhoanne josie keo kirsty klariz ladycess lorraine marelle marya melai neil pasulong paurong ryan sasha tin esophoric ver very wendy xienah yzza Mga Naligaw Dito Ang Nakalipas
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet Extra
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
|
10.10.07 variety ngayon alam ko na ang gustong palabasin ng itchyworms sa album nilang "noon time show". sa karinderya ako naglu-lunch araw araw. mura kase dito at masarap ang mga pagkain. sa ibabaw ng bintana ng karinderya ay may nakalagay na tv, nakabukas ito tuwing tanghali. lagi kong naaabutan yung game show ni edu manzano at tsaka yung noon time show pagkatapos nito. hindi ako natutuwa sa wawawi. dati nakakasawa lang yung "adu du du, ada da da, aha ha" na paulit ulit na kinakanta sa loob ng trenta minuto. ngayon nakakairita na ng sobra kase parang ginagawa nang tanga ang mga contestants para lang magkaroon ng pagkakataon manalo ng pera. nakakita na ko ng mga pinapadapa, pinapagulong sa sahig at pinapalabas ng venue. pag nakakapanood ako ng ganito parang may pumapasok na bagay sa utak kong nagsasabing hindi tama ang nakikita ko. hindi ko maipaliwanag pero kahit wala namang kinalaman sa kin ang nakikita ko nakakaramdam ako ng konting pagkainsulto. kanina habang kumakain ng regular order kong tuna and rice may bagong portion akong nakita. pinapakanta yung mga contestants ng one liner na pinapaulit-ulit at kung sino ang mas mukhang mongoloid kumanta siya ang bigatin. "hanggang dito na lang ba ang masa?"
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |