Ako si Kuya
i am 28 years old i am from baguio city i am a bs computer science graduate
YM id: a_aspi
Libre Bumati dito
Flickriver Mga Kakuwentuhan aia aki aleng ava benz cai cat cheska clarisse coy cruise david denisse eric esteban hanigrey hermie iskoo jhoanne josie keo kirsty klariz ladycess lorraine marelle marya melai neil pasulong paurong ryan sasha tin esophoric ver very wendy xienah yzza Mga Naligaw Dito Ang Nakalipas
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet Extra
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
|
18.11.07 under southern lights ![]() ok, quick review sa "under southern lights". yung latest album ng urbandub ay hindi para sa mga shallow-minded fans. baka dismaya lang sila sa maririnig nila kung ine-expect pa rin nila yung dating tunog ng urbandub. it took me 4 days of continuous playing bago ko ma-absorb yung bagong tunog ng mga kanta sa album na ito. medyo malayo kase sa melodic sound ng "embrace" at hindi ganon karami yung sing along songs na tulad ng nasa "influence". hindi na rin ganon kabigat ang bagsak ng instruments gaya ng dati, litaw na litaw ang influences ng ibang genre. at first akala ko madi-disappoint ako sa album na 'to pero nung na-digest ko na yung kakaibang mga tunog na hindi ko ine-expect worth it naman pala yung 260php ko. well, same feeling na naramdaman ko dati nung una kong narinig ang "embrace". 4 songs ang tumatak agad sa isip ko yung tunog. "anthem", "an invitation", "the fight is over" at yung current single na "guillotine". eto kasi yung may pinakamalapit na tunog dun sa mga luma nilang kanta. yung "cebuana", "she keeps me warm", at "inside the mind of a killer" similar sa pagkakilala ko sa "a city of sleeping hearts" at "quiet poetic". yung tipong magandang kanta pero di ko kinakanta sa isip ko kapag walang ginagawa kase hindi naman nga siya sing along song. eto rin pala yung mga kantang may mga bagong elements na nagustuhan ko talaga. "a method to chaos", fastest paced at heaviest sounding song dito sa bagong album. nung hindi pa nilalabas yung album tipong ganito yung sound na ine-expect ko nun. "life is easy" (formerly titled "ride the curl"?!? hehe hula ko lang). pinaka "laid back" na reggae-ish song ng urbandub. parang masarap pakinggan pag nagda-drive papuntang beach. unlike "endless, a silent whisper" at "sailing", 'pag pinapakinggan ko 'to merong "feel good" at "feel happy" feeling (redundant) akong nararamdaman. nung una ayaw ko 'to pero pagtagal nasakyan ko na rin. "evidence". eto feeling mas bagay kantahin ng/ni "bamboo". ang kaso kase kapag si gab ang kumakanta parang "freestyle" ang naririnig kong tumutugtog. sobrang pop ang dating at kung ako tatanungin parang hindi bagay sa urbandub. sana wag nila gawing single 'to. baka mapatugtog sila sa mga istasyong ayaw ko pakinggan. so far ito yung pinaka-ayaw kong urbandub song. kung papapiliin ako ng limang nagustuhan ko sa sampung bagong kantang inilabas, ito ang mga pipiliin ko: 1. inside the mind of a killer 2. guillotine 3. cebuana 4. an invitation 5. anthem *"inside the mind of a killer" consumed me for two days. ngayon ito na ang nasa top ng listahan ng current favorites ko.
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |