Tayo na't Magkwentuhan - Mga Weblogs Ni Ace

Ako si Kuya

Ace
i am 28 years old
i am from baguio city
i am a bs computer science graduate



YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Flickr Account


Libre Bumati dito

Flickriver

a_aspi - Flickriver

Mga Kakuwentuhan

aimee
aia
aki
aleng
ava
benz
cai
cat
cheska
clarisse
coy
cruise
david
denisse
eric
esteban
hanigrey
hermie
iskoo
jhoanne
josie
keo
kirsty
klariz
ladycess
lorraine
marelle
marya
melai
neil
pasulong
paurong
ryan
sasha
tin esophoric
ver
very
wendy
xienah
yzza

Mga Naligaw Dito

Ang Nakalipas

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

Extra

top blogs
Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v4.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

26.12.07

let's celebrate

lipas na agad ang pasko, halos hindi naramdaman. twice ko lang yata napatugtog yung christmas cd na binigay sa min last year ng dating boss.

konti lang handa namin. pasta, fruit salad, garden salad, ham tsaka coke. may white wine din tsaka fruit cake galing sa kuya ko. maaga ang kainan, 8:30pm simula na kaya 11 pa lang tulog na ang karamihan sa bahay. halos ordinary day (or night) lang, ang pagkakaiba ay sabay sabay kaming kumain sa iisang lamesa. dun ko napansin na kulang pala ng isang upuan ang lamesa namin, computer chair gamit ng kapatid kong isa habang kumakain.

gloomy ang pasko ngayon... dahil sa panahon. maulan ulan ng konti, saya nga eh. mainit nitong huling mga araw kaya buti na lang nadiligan ng pampalamig ang paligid. ganito ang perpektong panahon para sa kin.

may ilang regalo akong natanggap. karamihan galing sa opisina. sa kris kringle. nakakuha ako ng metro ng karpintero (something long that gets short) at chocomallows (something soft) sa bunutan. sa exchange gift na ginanap 2 weeks ago ang nakuha ko "bagong liwanag" ep ng rivermaya. this week nage-expect ako ng album ng "peace pipe" galing dun sa isang exchange gift na kasali ako.

sa bahay may dalawa akong natanggap na regalo, kay ermats isang libro na tungkol sa negosyo. napansin niya siguro na kung ano anong raket ang sinusubukan ko ngayon kaya naisipan niya ko bigyan ng librong may kinalaman dito. galing naman sa ate ko ay mga damit. isang statement shirt na sa kasamaang palad ay maliit ang size para sa kin, kasing katawan ko na kase si batista ngayon. meron ding shorts na sa awa ng diyos ay kumasya.

sakto lang naman ang pasko para sa kin. medyo konti ang handaan ng pagkain namin pero pana-panahon lang naman yan eh. hopefully, next year masagana naman.

anyways, maligayang pasko pa rin sa lahat. let's celebrate life, salamat sa Diyos para dito. gifts or no gifts it doesn't matter, ang importante sa lahat is to celebrate Christ's birthday. yun ang wag kakalimutan.


DITO ANG LUMANG BLOG