bad trip na umaga. gusto ko na makatulog. kaya lang maingay.
alam kong maganda yung kotse ng tatay mo. alam ko ring mahigit 50 thousand pesos na ang nailabas ng nanay mo para sa entertainment system ng nasabing sasakyan.
pero hindi cool na ipagyabang ang "bad ass sound system" ng sasakyang ginastusan ng magulang mo sa ganitong oras ng umaga.
tatlong kanto ang layo niyo sa bahay namin. pitong bahay yon. rinig na rinig ko pa rin ang mga pinapatugtog niyo ng mga tulad mong nangaangkin ng sasakyan ng magulang.
trip ko ang "red hot chili peppers" pero sinisira niyo ang isang kanta nila ngayon.