bumili ako ng tripod kanina para sa mga camera ko. walang kaseng VR (vibration reduction) capability yung kit lens ng nikon kaya ang tendency kapag hand held ang camera at mabagal ang shutter speed ay magiging blurred ang litratong lalabas.
kung may tripod kayang kaya kumuha ng mga shots na tulad ng nasa baba kahit na umabot pa ng 30" ang shutter speed mo.