Ako si Kuya
i am 28 years old i am from baguio city i am a bs computer science graduate
YM id: a_aspi
Libre Bumati dito
Flickriver Mga Kakuwentuhan aia aki aleng ava benz cai cat cheska clarisse coy cruise david denisse eric esteban hanigrey hermie iskoo jhoanne josie keo kirsty klariz ladycess lorraine marelle marya melai neil pasulong paurong ryan sasha tin esophoric ver very wendy xienah yzza Mga Naligaw Dito Ang Nakalipas
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet Extra
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
|
17.2.08 sms (sa madaling salita) ![]() sa wakas, napanood ko na rin ang endo. ang daming delay na nangyari. una, pinalipas ko ang cinemalaya. nung nakahanap na ko ng panahon inurong naman ang opening date mula end ng jan papuntang feb 13. tapos nung 14 pinalipas ko ulit. hindi ko na ulit pinalipas kanina. inilaan ko ang buong araw kanina para panoorin ang endo. dalawang sinehan ang alam kong nagpapalabas pa rin nito, (1) sm southmall at (2) glorietta 4. glorietta 4 ako pumunta. technically mas malayo siya sa southmall pero mas madaling puntahan dahil 1 bus ride lang ang sasakyan ko at halos kasing presyo lang ng pamasahe papuntang southmall. so today... naglakbay nga ako mula cavite papuntang makati para lang manood ng pelikula magisa. initial reaction sa pelikula: wow, parang totoo! ang galeng kase pag pinanood mo to parang nanonood ka na rin ng buhay ng isa sa mga kakilala mo. thumbs up sa mga artista lalong lalo na kay ina feleo dahil sa matinding pagkakadeliver ng kanilang mga roles. reward ko kay ina ay crush ko na siya ngayon, hahaha. pero siryoso, sa ganitong mga pelikula mo maa-appreciate ang acting skills ng isang tao. alam mong laking aircon yung mga artista pero kayang kaya nilang mag portray ng character ng isang favorite scene ko yung "gate scene" sa bandang dulo. trenta yata kami sa loob ng sinehan, lahat kami hindi humihinga dahil sa mga dialogue na pinapakawalan. patagalin mo pa ng 30 mins yung eksenang yon baka mapaluha na ko. hahaha, keso. current favorite for 2008 so far. pag nag-release ng dvd bibili ako definitely. so sana maglabas sila. nga pala pagkalabas ko ng sinehan isang familiar face ang sumalubong sa kin, ang pangalan niya "jason abalos". for more of endo eto ang trailer niya. kulang pa rin? eto yung music video ng pelikula. ganitong klase ng pelikula ang dapat pinipilahan ng mga tao. kelan kaya mangyayari na ganon nga? ano bang meron ang mga filipino movies na nagpe-premiere pag december 25 na wala ito? obvious naman na mas may quality ang endo (or most, if not all, cinemalaya entries) kumpara sa karamihan ng mga pelikulang pinoy pag pasko.
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |