Tayo na't Magkwentuhan - Mga Weblogs Ni Ace

Ako si Kuya

Ace
i am 28 years old
i am from baguio city
i am a bs computer science graduate



YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Flickr Account


Libre Bumati dito

Flickriver

a_aspi - Flickriver

Mga Kakuwentuhan

aimee
aia
aki
aleng
ava
benz
cai
cat
cheska
clarisse
coy
cruise
david
denisse
eric
esteban
hanigrey
hermie
iskoo
jhoanne
josie
keo
kirsty
klariz
ladycess
lorraine
marelle
marya
melai
neil
pasulong
paurong
ryan
sasha
tin esophoric
ver
very
wendy
xienah
yzza

Mga Naligaw Dito

Ang Nakalipas

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

Extra

top blogs
Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v4.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

5.3.08

breathe in for... luck



tumama ako sa lotto nung sunday! hahahaha! tatlong number ko ang lumabas. may prize pa rin kahit papaano, 20 pesos yata. pwedeng ipangtaya ulit next time.

kuya ko nagturo sa kin mag bet sa lotto. dati nakikipila lang ako sa kanya tapos one time sabi ko "ako rin nga, baka sakali" at ayun natuto na ko.

isang beses, college pa yata 'ko nun, nagpataya yung lola ko sa kin. hindi pa ko marunong nun. ang ginawa ko ay sa bawat isang set isang number lang ang nilinyahan ko. mali pala yon. pahiya tuloy ako sa kahera. aba malay ko ba, anim yung set tapos anim rin yung number na pipiliin eh.

tutal tayaan na rin lang ang pinaguusapan babanggitin ko na rin 'to.

first time ko lang kaninang lunch makakita ng tunay na kubrador ng jueteng. mabilis kase ako natapos kumain kaya tumambay muna ko sa gate nung karinderya habang hinihintay ko yung mga kaopisina ko. doon may isang mama na tumataya. sinilip ko pa ng konti yung papel nung ale. nakakapagtaka kung pano niya natatandaan yung mga tumataya eh puro number lang naman ang nakasulat tapos ang dami pa.

naalala ko agad kanina si gina pareno na main character ng kubrador. parehong pareho kase sila nung ale umasta. may dalang bag, may dalang payong, may ballpen tsaka papel na naka-fold ng length-wise.


DITO ANG LUMANG BLOG