Tayo na't Magkwentuhan - Mga Weblogs Ni Ace

Ako si Kuya

Ace
i am 28 years old
i am from baguio city
i am a bs computer science graduate



YM id: a_aspi
Friendster: a_aspi@yahoo.com (click to view profile)
Flickr Account


Libre Bumati dito

Flickriver

a_aspi - Flickriver

Mga Kakuwentuhan

aimee
aia
aki
aleng
ava
benz
cai
cat
cheska
clarisse
coy
cruise
david
denisse
eric
esteban
hanigrey
hermie
iskoo
jhoanne
josie
keo
kirsty
klariz
ladycess
lorraine
marelle
marya
melai
neil
pasulong
paurong
ryan
sasha
tin esophoric
ver
very
wendy
xienah
yzza

Mga Naligaw Dito

Ang Nakalipas

back to main page...

Sponsors/Credits

blogger
ripway
haloscan
cooltext
bravenet

Extra

top blogs
Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v4.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2006
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

2.4.08

a banner high and bright and a shield of green and white

hala, patay na. running low on budget. virtually broke. nabobobo nanaman ako sa pagpapaikot ng pera.

isang linggo nang hindi umuuwi kuya ko. nasa kanya pa naman yung inaasahan kong datung. sana umuwi yun. at sana naman hindi na ini-installment pa ang installment na. badtrip kase kung ine-expect mong ganito ang matatanggap mo tapos sasabihin biglang "sa sunod na bayad na lang yung kulang, ganito muna sa ngayon". nakakabitin. dami pa naman akong lakad ngayong linggong to.

naka leave ako bukas. bibisita ako sa school kasama ang isang schoolmate. una sa hsc campus kung san ako nag-ojt after nun sa main campus naman kung saan ako talaga nag-aral.

last time ko pumunta sa school feb 2007 pa. gabi nun tapos hanggang sa oval lang ako umabot kaya parang wala lang. bukas may luxury of time so makakapag ikot ikot kami sa loob ng hanggang gusto namin.

emo nanaman ako bukas. madami nanaman akong maaalala eh. masasayang mga bagay, mga hindi masasayang mga bagay, at yung nasa pagitan ng masasaya at hindi masasayang mga bagay.

madadalaw ko ulit yung dating mga tambayan namin na teritoryo na ng iba ngayon.

maaalala ko nanaman mga college friends ko nito, mga taong kasama ko while i was having the time of my life. most of them drifted away slowly. iba iba na buhay namin eh, hindi na kami araw araw nagkikita tulad ng dati. karamihan sa kanila nasa abroad na, magisa na lang tuloy akong naiwan na magsasalba ng pilipinas, hehehe. nandiyan nga ang texting at instant messaging pero siyempre manipis na sinulid lang yun na kumokonekta senyo. iba pa rin yung dating samahan na hindi na muli mauulit. na kahit magkasama sama pa ulit kayo ngayon hindi na ganun yung feeling na tulad ng dati. nangyayari lang naman sa mga reunion na yan eh pagkukwentuhan niyo lang paulit ulit ang mga lumang kwentong pinagsasaluhan niyo na dati pa.

naaalala ko one time habang nakikipagusap sa isang best friend, out of nowhere bigla kong sinabi "alam mo ba darating at darating ang panahon na hindi na tayo magiging kasing close ng tulad ngayon?". hinding hindi raw kasama pa ang isang violent reaction pero ganun na nga ngayon. nakakalungkot na lang isipin yung mga nangyayaring ganito.

nami-miss ko na college life. kung may highlight sa buhay ko yun na yun. dun kase mas maraming kaibigan. dun kase ok lang magpakabida at maging bida paminsan minsan. dun kase mas maraming mapagkakatiwalaan. dun kase mas masaya.

hindi ko lang siguro gusto ang kinatatayuan ko ngayon kaya naiisip ko yang ganyang mga bagay.

2:28am na, makikipag-eb pa ko kay saint john baptiste de la salle bukas.

makatulog na.


DITO ANG LUMANG BLOG