sa wakas, kahit maliit na ilaw nakakita na ko ngayong 2008. akala ko apocalypse na eh.
dalawang blessings ang dumating ng medyo late. late pero blessing pa rin. yung pharma project tsaka yung sta rosa comedy bar project. magiging masaya to. sana maaga-aga 'to dumating, baka sinubukan ko pa yung non-linear editing workshop na yun kung sakali. pero asa pa ko, wala akong oras.
kung every week lang sana may dalawang pumapasok na ganitong project siguro matagal ko nang iniwan yung fifteen-thirty cycle na yan.
isa pang some sort of blessing. kanina nag-YM yung isang kakilala ko from school. magkikita daw sila ng kanyang 1st cousin na si ate
marie. offer niya sa kin, tatanungin daw niya itong pinsan niyang ito kung kelan merong shoot na malapit at kung pwede ba kaming dalawa maging spectator. papayag naman daw yun. hopefully.
now let's keep our fingers crossed.