showing pala ang "kadin" sa galleria mula april 9 hanggang kanina, hindi ko alam.
sayang. kung maaga-aga ko nalaman.
sure na wala na kong isa pang chance para mapanood 'to unless maglabas sila ng dvd. pero malakas kutob ko na hindi sila magre-release. basta hula ko lang na hindi.
last cinemalaya "kadin" at "still life" ang gusto ko panoorin (gusto lang pero hindi natuloy). wala pa kong paki nun sa "endo" at "tribu". nadala ako sa cinematography eh, lalo na sa kadin. batanes ba naman ang setting.
narinig ko sa radyo pure cinematography lang daw ang "kadin". hindi daw maganda ang acting at iba pang elements ng pelikula. anyway, hindi yun naging dahilan para mawala ang interes ko sa goat movie. sabi ko papanoorin ko pa rin 'to kung may chance. kaso walang nagsabi sa kin. bwiset.
babay kambing.
ang ganda ng batanes. gusto ko pumunta don. dapat mapanalunan ko yang round trip tickets for two na yan sa linggo para matupad ang pangarap ko... so help me God.