finals na pala sa mga college schools. birth month ko na rin.
nung college i usually celebrate my birthday the week before the 12th. 1 day pagkatapos ng huling araw ng finals pinapapunta ko yung buong tropa dito sa bahay para mag celebrate. para medyo maiba ang ginagawa ko hinahanda ko lang yung mga ingredients tapos kami kami na rin magluluto. yung mga babae ang bahala sa medyo kumplikadong mga pagkain, lahat ng lalake taga prito at ihaw lang. naaalala ko, yung isang babaeng pinakamarunong magluto laging hino-hostage ng boypren pag birthday ko kaya hindi nakakapunta. hehe, bakit kaya?
kainan at kwentuhan time ng hapon hanggang early evening. pagkatapos nun magta-transfer ang boys sa bahay ng isang kaklase sa town and country para uminom ng ilang rounds ng beer at booze.
ganyan ang routine namin tuwing katapusan ng 1st sem nung college.